Chapter 20 - In Tagaytay (Part 2)

4.5K 193 24
                                    

Jaden's POV
Napanganga silang lahat, I mean kaming lahat nang makita namin sila Trinity wearing a bikini. Lumaki siyang napakagandang babae at may maganda ring pangangatawan kaya hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko na titigan siya. Biglang binuhat ni Travis si Trinity at lumusong sila sa dagat. Nakaramdam ako ng pagseselos nang makita silang masaya.

"Sakit no?" Pang-aasar sa akin ni Sam.

Hindi ko nalang siya pinansin.

"Ang bilis rin ni Travis makadamoves, kung sa bagay ay expert na siya sa ganyan." Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Sam, pwede bang manahimik kana lang?" Napatango naman ito pero alam ko na pinipigilan lang niya ang pagngisi niya.

Tumayo na ako at iniwan siya, ayoko lang na mas lalo niya akong asarin dahil selos na selos na ako kila Trinity at Travis lalo na kanina sa van na magkatabi pa sila. Dapat ay tatabihan ko si Trinity pero naunahan lang ako ni Travis.

Habang naglalakad ako sa tabing dagat ay napaupo ako sa buhanginan at inilubog ang mga paa ko sa dagat. Napapikit ako at inaalala ang mga masasayang araw namin noon..

"Jojo, bakit hanggang ngayon ay mas maganda pa rin ang sand castle mo kaysa sa akin?" Pagmamaktol ni Rin-rin habang nakangusong tinitignan ang sand castle na ginawa ko.

Lumapit ako sa kanya at inayos ang sand castle na ginagawa niya. "Maganda naman yung sayo, kailangan lang taasan mo ang sand castle mo."

Sumandal siya sa balikat ko. Natuwa ako sa ginawa niya pero hindi ko iyon pinahalata. Napatigil naman ako sa paggawa ng sand castle at hinawakan ang balikat niya

"Huwag mo akong iiwan ha? Wala na akong makakausap at makakalaro kung iiwan mo ako." Nakita ko na napaluha siya kaya humarap ako sa kanya at pinunasan ang mga luha niya.

"Pangako, hindi kita iiwan at hindi ako aalis sa tabi mo." Tumigil na siya sa pag-iyak at ngumiti ito. Ngiting gustong-gusto ko palaging makita sa kanya.

"Promise? Cross my heart? Mamatay man si Superman?"

Natawa ako sa sinabi niya. "Promise! Mamatay man si Superman!"

Napamulat ako pagkatapos kong maalala ang mga pangyayaring iyon. Napako ang pangako ko sa kanya na hindi ko siya iiwan, iniwan ko pa rin siya. Napasabunot ako sa buhok ko at napaluha na. Patawarin mo ako Rin-rin.. Patawarin mo ako Trinity.

**
Tinignan ko ang wrist watch ko at alas siyete na ng gabi. Hindi pa rin ako bumabalik sa resthouse dahil gusto ko munang mapag-isa. Habang nakatitig lang ako sa dagat ay naramdaman kong may tumabi sa akin at laking gulat ko nang si Trinity 'yon. Nakasuot na ito ng t-shirt at shorts pero kahit ano pa man ang suot niya ay napakaganda pa rin niya.

"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sa paghampas ng mga alon sa dagat at inilublob rin ang mga paa niya sa tubig.

"Gusto ko lang mapag-isa, sakto at nakita kita dito." Tinignan ko siya at para nga itong may problema.

"May problema ka ba?"

Katahimikan ang bumalot sa amin bago siya nagsalita.

"Sinabi sa akin ni Travis kanina na gusto raw niya ako." Hindi na ako nagulat don dahil alam ko na iyon sa simula palang.

"Anong ginawa mo?" Bumuntong-hininga siya.

"Sinabi ko na 'wag na siyang umasa sa akin kasi hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya pero para lang siyang bingi at hindi pinansin ang sinabi ko."

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon