Chapter 8 - The Meet Up

8.3K 358 54
                                    

Bonnie's POV
Nasa tapat na kami ng bahay na tinitirhan ni Trinity kasama ang 13 guys na nakatira din dito. Malaki naman ang bahay at mukhang mayayaman talaga ang nakatira dito. Lumabas na kaming anim sa sinakyan naming kotse ni Leo.

"Infairness, malaki ang bahay ha?" Namamangha kong sabi habang nililibot ko ng tingin ang buong bahay.

"Pero mas malaki pa rin ang bahay nila Leo." Sabi ni Micca.

"Paanong hindi malaki ang bahay nila Leo e, milyonaryo lang naman po sila," Sarkastikong pagkakasabi ko.

Natawa na lang sila sa sinabi ko at pinapasok na kami ni Trinity sa loob. Nang nasa loob na kami ay may isang gwapong lalake ang lumapit kay Trinity. Holy cow! Ang gwapo niya.

"Mga kaibigan mo?" Tanong nung gwapong lalake kay Trinity na pinasadahan kami ng tingin.

"Oo David, gusto kasi nilang makita itong bagong tinitirhan ko." Sagot naman ni Trinity.

David ba ang pangalan niya? Ang gwapo naman ng pangalan niya. Kasing gwapo din niya.

"Ganon ba? Doon tayo sa may sala." Nakangiti nitong sabi kay Trinity at makikita dito ang sparks sa mga mata niya.

Bigla akong nanlumo dahil nakikita ko rin na may gusto siya kay Trinity. E, ano pa nga ba? Halos lahat naman ng mga lalake ay nagkakagusto kay Trinity. Kahit nga si Leo noon na hindi pa niya nakikilala si Chae ay minsan nang nagkagusto kay Trinity noon, pero hindi ko naman masisisi si Trinity na maraming nagkakagusto sa kanya dahil isa siyang maganda, mabait at mabuting tao. I won't waste it nang dahil lang sa isang lalake.

Sinundan namin sila Trinity at David papuntang sala at habang naglalakad kami ay biglang bumulong si Chae sa akin.

"Isa ba yan sa 13 guys? Ang gwapo niya no?" Siniko ko naman siya.

"Marinig ka ni Leo diyan, baka magselos 'yon." Sabi ko at tinignan si David.

"Type mo ba?" Pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo!" Inirapan ko si Chae at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Aminin ko man o hindi pero type ko si David kaso hindi na pwede.

Nang narating na namin ang sala ay naabutan naming nagkukulitan ang mga sinasabing kasama ni Trinity sa bahay na ito. Mayroong nagkukulitan, nag-uusap, may natutulog at ang iba ay may mga sariling mundo.

Napatigil silang lahat sa kani-kanilang mga gawain nang makita nila kami.

"Hi guys! Mga kaibigan ko nga pala." Pakilala ni Trinity sa amin. Tumango naman silang lahat at inaya kaming maupo.

"Introduce yourself guys."  Bulong sa amin ni Trinity. Halata namang walang pakialam dito ang dalawa naming kasamang lalake.

"Hi! Ako nga pala si Micca." Pakilala ni Mecca sabay sulyap dun sa lalakeng mataba ang cheeks at cute. Type niya?

"I'm Chae." Pakilala ni Chae sabay sulyap sa lalakeng gwapo at cute.

"Bonnie." Pakilala ko sabay sulyap kay David na nakangiti sa akin. OMG! Kinikilig ako sa kanya! Sana he's good at singing like me para same kami.

Napansin naman ni Trinity na ayaw magpakilala nila Leo at Jerome na nakasandal lang sa may couch kaya sinamaan niya ito ng tingin. Mukhang nakuha naman ng dalawa ang nais iparating ni Trinity kaya umayos na sila sa pagkakaupo at nagpakilala.

"Leo." Walang ganang sagot nito at ngumiti ng pilit.

"Jerome." Nakangiting sabi ni Jerome na ikinatuwa naman ni Trinity. Paimpress lang sa babaeng nafriendzoned siya?

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now