Chapter 31 - His Plan

3K 115 3
                                    

Trinity's POV
Breaktime namin ngayon at nandito ako sa canteen kasama sila Chae, Bonnie at Micca. After nung birthday ni Chae ay pinukol na ako ng tanong ng mga babaeng 'to sa mga nalaman nila kagabi. Kesyo tama daw sila ng hinala na gusto ako ng ibang 13 guys. Parang kapatid na nga ang turing ko sa kanila e. Tinanong rin nila ako kung bakit ko tinanong kung bully ba si Jerome. Ang dami kasing taga YGA ang nagsasabi sa akin na nakikita daw nila si Jerome na may pinagtitripan o pinapahirapang tao. Hindi naman ako naniniwala dahil sa tagal na naming magbestfriend ay napakabait niya pati na rin sa iba. Nacurious lang siguro ako kaya natanong ko ang bagay na iyon at naniniwala rin ako sa sinabi niya na hindi 'yon totoo. Nung gabi rin na nauna kaming umuwi ni Jaden ay sinabi nito sa akin na nagselos daw siya dahil sa first crush ko si Kevin. Natawa naman ako at kinurot ang pisngi niya. Sinabi ko na crush lang 'yon. Past is past at siya ang mahal ko kaya huminahon rin siya. Nainis rin daw siya nung hinalikan ako ni Travis sa pisngi. Dare lang naman iyon at walang malisya para sa akin. Alam ko rin na gusto ako ni Travis pero tanggap naman niya na kami na ni Jaden.

Pagkatapos ng breaktime namin ay naghiwa-hiwalay na rin kami ng landas ng mga kaibigan ko at papunta na sa kanya kanya naming mga klase. Naglalakad ako sa corridor nang makasalubong ko si Eugene. Napansin naman niya ako. Siya ang nakababatang kapatid ni ate Vanessa na asawa ni kuya Troy. We are at the same age.

"Trins! Ikaw pala," Sabi nito at lumapit sa akin.

"Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" Napansin ko na may hawak siyang folder at ipinakita sa akin.

"Idadaan ko lang 'to sa office nila Sir Francis. Ikaw ba papasok ka na sa next class mo?" I nodded.

"Oo. May 10 minutes pa naman bago ang klase ko." Sabay tingin ko sa suot kong relo.

"Yieee! Si Eugene oh! Ang gwapo talaga!"

"Tama! Hottie patootie pa!"

Natawa naman ako sa mga sinasabi ng mga estudyanteng babae na nandito rin sa corridor. Talaga naman kasing gwapo si Eugene. Pretty boy type na katulad nila Arthur at John.

"Yung mga admirers mo oh? Kinikilig sayo!" Pang-aasar ko. Nagkamot na lang siya ng batok at nginitian yung mga babaeng kanina pa siya tinitignan. Kinilig naman ang mga girls sa ginawa ni Eugene.

"Kumusta ka na? Okay ka na ba? Pasensya ka na kung hindi kita nadalaw nung nasa ospital ka. Masyado kasing maraming pinapagawa si ate Van tungkol sa pagmamanage ng business namin na wala naman akong kaalam-alam don," Natawa ulit ako sa itsura niya. Nakapout pa siya na parang naiinis.

"I'm fine saka naiintindihan ko naman e. Sundin mo nalang ang ate mo." He nodded and smile.

"Salamat. Hindi ko talaga alam kung bakit ginawan ka ng masama ni GD. You're kind kaya dapat ay hindi ka sinasaktan." Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Naaalala ko na naman na muntik na akong marape ni GD. He said that he likes me kaya umiyak siya sa harap ko begging for my love. Pero hindi ko siya kayang mahalin dahil si Jaden ang mahal ko. I hope na mahanap niya ang tunay na magmamahal sa kanya at sana ay okay lang siya sa amerika. Some part of me saying that he's kind pero parang hindi rin. Ang gulo ko no?

"Ganon talaga. Kailangan nalang sigurong makalimot.." Ginulo naman ni Eugene ang buhok ko.

"Ang bait mo talaga. Ah basta mag-iingat ka palagi pati don sa bahay ng 13 Guys, baka may gawin na kung ano ang mga 'yon sayo. Balita ko nga pala na boyfriend mo na yung isang lalake sa 13 guys na nagligtas sayo mula kay GD." Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

"P-paano mo nalaman?" He smirk nang makita niya ang reaksyon ko.

"Ate Van told me, alam na rin yata ng kuya mo pati sina mommy at tita."

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now