Chapter 32 - Usapang Lalake sa Lalake

3K 116 8
                                    

Jaden's POV
Kakatapos lang ng trabaho ko sa kompanya namin at maihatid si Trinity sa YGA. Nandito ako sa bahay at hinihintay ang pag-uwi ni Ben. Alam kong ayaw niya kay Trinity at gusto ko siyang makausap tungkol don.

Inaabangan ko si Ben dito sa tapat ng kwarto niya. Ilang minuto lang ay nakita ko na papunta na siya dito na may nakasukbit na backpack sa balikat niya. Naka t-shirt siyang puti at jeans. Halata naman na mukhang pagod na pagod rin siya.

Nagtaka pa ito nang makita niya ako sa tapat ng kwarto niya at tinaasan ako ng kilay. "Anong ginagawa mo diyan?"

Umayos ako ng tayo mula sa pagkakasandal ko sa pintuan ng kwarto niya at hinarap siya. "Mag-usap nga tayo." He cross his arms and smirk afterwards.

"Mukhang alam ko na ang pag-uusapan natin," I smirked too.

"Didiretsuhin na kita Ben, ano bang problema mo kay Trinity?" Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko pero di pa rin nawawala ang ngisi niya. Sa totoo lang ay kanina ko pa siya gustong suntukin.

"Nagsumbong na pala sayo ang girlfriend mo." Pilit kong kinakalma ang sarili ko dahil sa totoo lang ay kanina ko pa pinagtitimpihan ang ugaling pinapakita niya sa akin at halatang pinaglalaruan niya ako.

"Nagagalit ka ba kay Trinity dahil akala mo na siya ang nakakasira sa pagkakaibigan natin? Yun ba ang dahilan?" He chuckled.

"Eh alam mo naman pala ang dahilan at totoo naman na siya ang nakakasira sa samahan natin. Nung wala pa siya ay okay tayong lahat pero simula nang dumating siya sa buhay natin ay nagkanda gulo-gulo na ang lahat. Hindi ko siya gusto!"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at kaagad siyang sinuntok sa mukha niya kaya napaupo ito sa sahig. Nagdugo rin ang ilong niya dahil sa suntok ko pero pinahid niya lang iyon gamit ang palad niya at tinignan ako ng masama.

"Walang kasalanan si Trinity kung nagkakagulo man tayo! Hindi niya 'yon kasalanan!" Sigaw ko.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa sahig habang hawak niya ang ilong niyang nagdudugo.

"Alam mo, naiinis rin ako diyan sa girlfriend mo e, alam mo kung bakit?" Susuntukin ko na ulit siya nang bigla ulit siyang magsalita.

"Naiinis ako sa kanya dahil ikaw ang gusto niya, naiinis ako sa kanya dahil gusto siya ng mga kaibigan natin, naiinis ako sa kanya dahil mas nakakausap niyo siya ng malapitan kaysa sa akin. I hate her because she didn't notice my existence here in this house! I like her, Jaden pero kinamumuhian ko siya dahil dumating pa siya sa buhay ko!" Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na siya sa harapan ko.

Naiwan akong tulala dahil sa mga sinabi ni Ben. Malinaw pa sa sinag ng araw na nagagalit siya kay Trinity dahil hindi siya nito napapansin. Ako ang naiinis sa sinabi niya. He likes Trinity, too! Si Trinity nalang ba ang nag-iisang babae sa mundo kaya pati ang mga kaibigan ko ay nagugustuhan siya?

"Jaden, bakit sumisigaw si Ben?" Hindi ko na namalayan na kaharap ko na pala si John. Mabuti nalang at hindi niya narinig ang pag-uusap namin ni Ben.

"M-may hindi lang kami pagkakaintindihan." Sagot ko nalang.

He looked at me suspiciously. "Ows, 'di nga? Kilala ko si Ben at kahit tatahi-tahimik lang 'yon ay hindi siya basta bastang sumisigaw kung hindi lang pagkakaintindihan 'yon. Siguro e galit siya sayo." Bulls eye.

Sumandal ito sa may railings ng hagdan at magcross arms. Hinihintay ang sagot ko.

I sighed. Mukhang wala na akong kawala sa kanya. "Yeah. He's mad at me." Ngumisi lang siya sa sinabi ko.

"Alam ko na kung bakit,"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Bakit mo alam?" He smirk again. This is not the usual John that  I know. Ngayon kasi ay ang seryoso niya at nakakapanibago lang.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon