Chapter 2 - Biglang Hila with Friendship

15.2K 471 40
                                    

Trinity's POV
It's Saturday ngayon at dahil nakakaistress ang mga nangyari sa akin kagabi ay mamamasyal ako ngayon kasama ang aking magandang pamangkin na si Valerie sa Mall. Remember? Siya ang anak ni Kuya Troy.

Pinakiusapan ako ni Kuya na ipasyal ko daw muna si Val dahil may kailangan pa silang asikasuhin ni ate Vanessa (Kuya's wife na mommy ni Val) sa office kaya pumayag na rin ako. Minsan ko lang kasi makasama ang pamangkin ko.

*Mall*

"Val, Where do you wanna go? Do you want in Playroom Studio?" Tanong ko kay Val habang hawak ko ang kamay niya at nag iikot-ikot sa loob ng mall. She is 5 years old palang.

"Hmp! No! I want ice cream tita!" Huminto siya sa paglalakad namin at biglaang nagpuppy eyes sa harap ko.

Ang cute!

Manang-mana talaga siya sa akin. Haha.

Kunwaring nag-isip pa ako at saka pumayag na rin. "Okay, but be sure na iinom ka kaagad ng water after you eat ice cream. Okay?" Napangiti siya at napatalon.

"Yes tita! I will."

Then we head to the ice cream parlor inside this mall. She wants strawberry ice cream daw kaya 'yon na inorder niya at ako'y isang dakilang chocolate addict kaya ang inorder ko naman ay chocolate ice cream.

Habang kumakain kami ni Val ay bigla itong nagsalita.

"Tita, Why don't you have a boyfriend? You are pretty naman." Tanong niya habang busy pa rin siya sa pagkain.

Aba! Saan 'to natutunan ni Val?
Intrigera na ang pamangkin ko?

Hays! Nagmana talaga siya kay kuya Troy na Interrogator.

"Ahm, I'm studying pa kasi Valerie, priority ko muna ang pag-aaral ko." Sagot ko at pininch ang cheeks niya.

Nagulat naman ako nang ngumiti siya ng nakakaloko sabay alis niya sa inuupuan niya kaya napatayo ako.

"Val, what are-" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil may hinatak siyang guy na napadaan lang sa ice cream parlor na 'to at iniharap sa akin.

Nagulat yung guy sa ginawa ni Val at napatingin ito sa akin.

O_O - Guy

O_O - ako

^_^ - Val

"I'm the cupid Val, and I want you to meet tita, your boyfriend."

What? Boyfriend ko daw?

Napatingin ako dun sa guy. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo pala niya at mukhang mas matanda lang siya sa akin ng tatlong taon. Mukha siyang napapanood ko sa mga Kpop boy group sa Korea dahil sa dating niya. Kung anu-ano talaga ang ginagawang kalokohan ni Val! Manghatak daw ba ng lalakeng napadaan lang at gagawin pang boyfriend ko? Tsk.

Nang nasa pag-iisip na ako ay agad kong nilapitan si Val at hinatak ang kamay niya.

"Ikaw bata ka! Kung anu-ano na lang ang naiisip mo! Halika na umuwi na tayo."

"But tita, I don't want to!" Pagmamaktol niya.

Lumapit ako dun sa guy at humingi ng paumanhin.

"Sorry ha? Kung anu-ano na kasing naiisip nitong pamangkin ko, naistorbo ka pa tuloy." He smiled.

Oh no! Nakakatunaw ang ngiti niya. Ehem! Hormones umayos ka!

"No, It's okay. Sadyang makukulit lang talaga ang mga bata ngayon." Pati ba naman boses niya ay napakaganda rin? May pagkamanly pa.

"I don't want to go home! Let's bond together with your boyfriend, tita!" Sigaw ni Val.

Aish! Nakakahiya! Nag-eeskandalo na 'tong si Val. Kapag hindi talaga niya nakukuha ang gusto niya ay magwawala at iiyak siya. Hays.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now