Chapter 47 - Why Him?

2.8K 97 17
                                    

Trinity's POV

Nagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging ilaw na lamang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nakahiga ako sa isang kama habang nakagapos ang mga paa at kamay ko. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na kung sino ang gumawa sa akin nito.

Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin.

"You're still beautiful even if you're crying." Nakatitig niyang sabi sa akin.

Takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. Hikbi na lamang ang nagawa ko at sumiksik ako sa dulo ng kama gawa ng takot ko sa kanya. Hindi siya ang Mason na nakasama ko sa TREASURE House. Ibang-iba siya. Nakakatakot siya.

"It looks like you're really scared of me. Please don't, baby..." Unti-unti itong lumalapit sa akin habang iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

Naramdaman ko nalang na magkalapit na ang mukha namin at bigla nitong hinipan ang buhok ko na mas lalong nagpakaba sa sistema ko. Ngayon, nakikita ko nang malapitan ang mukha niya. Napakaamo pero hindi niya ito totoong itsura.

"Takot na takot ka talaga sa akin, Trinity, no? Si Jojo ang may kasalanan nito e! Kung hindi niya ako siniraan sa'yo ay hindi ka matatakot sa akin ng ganyan!"

Oh god. Baliw na siya.

Bigla ay tinanggal na niya ang panyong nakatakip sa bibig ko kaya hindi na ako nag-aksaya ng oras para pagsalitaan siya.

"Baliw ka na! Pakawalan mo ako dito hayop ka!"

Natigilan siya sa sinabi ko at mukhang namangha pa sa mga pinagsasabi ko. Tumawa siya saka lumayo sa akin ng kaunti at humalukipkip.

"Ako? Baliw? Si Jojo yata ang baliw sa aming dalawa. Pinatay niya ang mga magulang ko, Trinity." Seryoso niyang sabi.

Umiling ako. "Nasunog ang bahay niyo kaya namatay ang mga magulang mo kaya wala siyang kasalanan." Siya naman ang umiling sa sinabi ko.

"Paniwalang-paniwala ka talaga sa lalakeng 'yon, ha? Noon pa man ay siya na talaga ang pinaniniwalaan mo simula pagkabata natin imbes na ako na una mong naging kaibigan." Tumayo ito at binuksan ang ilaw ng kwarto.

I roamed my eyes around the room at sobra akong nagulat sa mga nakikita ko. The wall is filled with my pictures. Mula sa stolen, kuha mula sa school, mula sa mga lakad ko, ultimo'y mga kuha ko sa loob ng TREASURE House ay nandoon rin. Pati pillow cases at punda ay mukha ko ang nakalagay. 'Yung mga balat ng pinagkainan ko ay nakasabit rin sa dingding at pati na rin ang mga nawawala kong gamit ay nakalagay sa isang glass cabinet. Napaiyak na ako ng tuluyan. He's so obsessed with me. Hindi ko akalain na ang isang katulad ni Mason na palangiti, mabait, kalmado at understanding ay isa palang baliw at obsessed sa akin.

But one thing got my attention at iyon ay ang isang malaking litrato na kung saan ay kuha ito noong mga bata palang kami at nakaakbay si Alec sa akin habang nasa parke kami. Pareho kaming nakangiti sa picture at sa pagkakatanda ko ay ang Mommy niya ang kumuha ng litrato na ito.

Napansin naman ni Mason na nakatitig na ako doon sa picture.

"That was our first photo together. Nung nasusunog ang bahay namin ay iyan lang ang naisalba ko dahil natupok na ng apoy ang mga magulang ko. The reason why my face was totally burned ay dahil kinuha ko pa ang litrato na 'yan sa loob ng nasusunog kong kwarto at dagliang natupok ang mukha ko ng apoy. That picture is a special thing to me."

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now