Chapter 25 - Cliche

3.9K 150 3
                                    

Jun's POV
Lumabas ako ng ospital at binalita kaagad kay Travis ang 'Good News' na nalaman ko pero alam ko naman na bad news 'yon para sa kanya. I know that he likes Trinity at magngingitngit yun sa galit dahil napunta na naman kay Jaden ang mga taong minamahal niya. Noong high school palang kasi kami ay kay Jaden lahat nagkakagusto ang mga babaeng nagugustuhan niya. Siguro dahil karamihan sa mga babae ay ideal type ang mga lalakeng tahimik at misteryoso na katulad ni Jaden. Hanggang sa nagkagusto si Travis kay Roxanne na pinsan ni Ben pero nung time na liligawan na niya ito ay nalaman niyang may gusto si Roxanne kay Jaden, nagalit siya nun pero humupa rin dahil inintindi pa rin niya ang pagkakaibigan nila ni Jaden. Nagparaya si Travis dahil akala niya ay mamahalin nito si Roxanne pero 'yon pala ay wala siyang pagtingin dito. Doon nag-umpisa ang hindi nila pagkakaintindihan dahil buong akala ni Travis na sa pagpaparaya niya ay sumaya si Roxanne kay Jaden. Parang nagparaya lang pala siya sa wala. Nasaktan nun si Roxanne kaya umalis siya at tumira na sa ibang bansa at ngayon na nakamove on na si Travis kay Roxanne at si Trinity na ang mahal niya ay malaking gulo ito dahil si Jaden na naman ang nagustuhan at sigurado akong hindi na magpaparaya pa si Travis.

"I already know that." Sabi nito habang umiinom ng beer. Nandito kami ngayon nagkita sa bar.

"Paano mo nalaman?" Huminto siya at tinitigan ng masama ang bote ng beer na hawak niya.

"Nagpunta ako sa ospital kahapon, papasok na sana ako sa confine room ni Trinity nang marinig ko ang pagsasagutan nila ni Jaden. I want to hit that man, he always getting what's mine. Kung noon ay nagpaubaya ako, this time I will make sure that Trinity is going to be mine." He smirk.

Napailing nalang ako habang nakatingin sa kanya. He's so selfish palibhasa ay naispoiled siya nila tito at tita na palagi niyang nakukuha ang gusto niya. Kinuha ko naman ang isang beer sa lamesa at ininom ito.

"I called Roxanne," Napahinto ako.

"Why did you call her? Do you still love her?" Umiling naman siya habang natatawa pa.

"Of course not! I don't love her anymore and I don't care about her too. I just want to use her for my plan." He smiled at me devilishly.

"What plan?" Sumandal naman ito sa couch na inuupuan namin.

"Gagamitin ko siya para kunin niya si Jaden at masolo ko na si Trinity. Simple as that." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Pumayag si Roxanne?" He nodded.

"Yeah and she'll come back here in the Philippines soon.." He proudly said.

"You know how much she's in love with Jaden at katulad ko ay baliw na baliw na siya." Tumawa pa si Travis na parang wala nang bukas.

He's crazy.

"Magkakagulo lang kapag itinuloy mo 'yang balak mo." I said. Magkakagulo talaga dahil matagal ko nang kilala si Travis at kapag gumawa siya ng kalokohan ay maraming madadamay na ibang tao.

He tapped my shoulder. "Di'ba gusto mong makaganti kay Jaden dahil sa ginawa niya sayo? Let me help you, Jun." Nag-isip muna ako bago sumagot.

"Ikaw ang bahala," I sighed.

"Good." He smiled at me devilishly.

Totoo na gusto kong makaganti kay Jaden dahil sa pambubugbog na ginawa niya sa akin dahil sa ginawa ko kay Trinity pero nagdadalawang- isip ako dahil kasalanan ko rin naman kung bakit binugbog niya ako. I almost rape Trinity. Aish! Bahala na.

"Siguraduhin mo lang na hindi masisira ang pagkakaibigan natin sa gagawin mo, Travis."

"I'm not sure about that." He smirk at me before he left.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now