Chapter 28 - He Wants

3.2K 111 4
                                    

Trinity's POV
Papasok na kami sa loob ng TREASURE House ni Jaden. Walang katao-tao nang magpunta kami sa living room. 11:00pm na rin kasi kami nakauwi kaya malamang ay natutulog na sila. Hindi ko nga alam kung saan nakuha ni Mason ang number ko kaya nagulat nalang ako nang tinawagan niya ako at binalitang nakauwi na si Daniel. Siguro ay nakuha niya ang number ko kay Kevin, alam niya kasi ang number ko na ipinagtataka ko. Speaking of Daniel, hindi na kaya siya galit sa amin? Gusto ko na kasi siyang makausap para magkaayos na kami. Ayoko nang may samaan pa kami ng loob sa isa't-isa dahil napakabait niya sa akin at alam ko naman na nasaktan ko ang damdamin niya kaya hihingi pa rin ako ng tawad sa kanya.

"They are already sleeping and I think Daniel too. Bukas mo nalang siya kausapin." Sabi ni Jaden na nakahawak sa kamay ko.

"Siguro nga. Sige, matulog ka na." Nginitian ko siya.

Nagulat naman ako nang bigla niya akong hinalikan. I kissed him back at napakapit ang mga braso ko sa leeg niya. Aba! Namumuro na 'to sa halik ah? Eh kanina lang halos muntikan na namin magawa ang 'You know' sa kotse niya kung hindi lang tumawag si Mason tapos dito naman? Pero nadadala ako sa mga halik niya at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Kung hindi ko lang mahal ang taong 'to.

Siya na ang kusang bumitaw sa paghahalikan namin at pareho na naman kaming kinakapos ng hininga.

"Baka hindi na ako makapagpigil at mabinyagan na natin 'tong sala. Mas gusto ko kasi na sa kama natin gawin 'yon." Nag-init bigla ang mukha ko sa sinabi niya at hinampas ko siya sa balikat niya.

"T-tumigil ka nga!" He chuckled.

"Good night! Matulog ka na rin." Magsasalita pa sana ako nang bigla na naman niya akong halikan, a quick kiss pagkatapos ay tumakbo na siya papunta sa kwarto niya.

Naiwan akong namumula at kinikilig. Kiss addict na ba si Jaden? Siya lang naman talaga ang nakakagawa sa akin ng ibang klaseng pakiramdam. Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko nang nagulat ako at nakita si Daniel sa harapan ko na sobrang sama ng tingin sa akin. Hala! Anong ginawa ko? Ah.. nakita niya yung ginawa sa akin ni Jaden?

"Daniel?"

"At dito pa talaga kayo naghalikan ni Jaden ha? Wala na talaga kayong kahihiyan!" Bigla niyang hinila ang braso ko hanggang sa makarating na kami sa tapat ng kwarto niya.

"Daniel, nasasaktan ako.." Hawak pa rin niya ang braso ko ng mahigpit pero mabuti nalang at binitawan na niya ito. Namula yung braso ko dahil sa ginawa niya.

I know he's really mad at me.

"I never thought that you can kiss like that. Siguro nga tama ang sinabi ni Ben na you are a bitch and-"

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang bigla ko siyang sinampal. He call me bitch? How dare he! At sinabi iyon ni Ben?

"How dare you to call me a bitch? You don't know me Daniel!" And now, I'm crying. Hindi ko akalain na masasabi niya sa akin ang bagay na 'to. Ito ang unang beses na masabihan ako ng malandi at masakit lang dahil kay Daniel pa mismo nanggaling.

He smirk na parang wala lang sa kanya na umiiyak ako sa harap niya. He's heartless! "Totoo naman siguro? Kaya ba ayaw mo sa akin ay dahil hindi kita mahalikan ng ganon? Eh kung ganon naman pala ang gusto mo e, di sana hindi lang halik ang magagawa natin kundi magsesex pa tayo araw-araw dito sa kwarto ko at-" Hindi na niya ulit natuloy ang sinasabi niya dahil sinampal ko siya sa kabilang pisngi niya.

Masakit lang na iniisip niya na isa akong maduming babae. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin Daniel? Dahil ba sa hindi kita magawang mahalin kaya ka nagkakaganyan? Daniel naman! You're six years older than me at dapat naiintindihan mo rin naman ako pero bakit ganito? Mahal na mahal ko si Jaden at sana maging masaya ka naman para sa akin. Hindi lang ako ang babae sa mundo, marami pang magmamahal sayo so please.. nakikiusap ako sayo, Daniel.. Tama na." Napahikbi ako. Nahihirapan rin naman ako at naiipit sa sitwasyon.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon