Chapter 49 - Understanding

2K 77 12
                                    

Trinity's POV
Nasa ospital ako ngayon at nang iminulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng TREASURE Guys.

"Trinity, are you now okay?" Nag-aalalang tanong ni John sa akin.

Ngumiti naman ako saka tumango. Natamaan ng basag na vase ang binti ko nang magwala si Mason kaya nasugatan ito at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa sakit. Isinakay niya ako sa isang wheelchair dahil ipapagamot raw niya ako sa personal doctor niya.

Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at sa pagkamatay niya ay lubos akong nalulungkot para dun. Siya pa rin ang Alec na kababata ko. Siya pa rin 'yung Alec na mabait at mapagmahal sa mga magulang niya. Napaiyak na naman ako na ikinaalarma nila.

"Trinity, what's wrong?" Tanong ni David at inalo niya ako.

Umiling lang ako bilang sagot saka hinarap ang TREASURE Guys.

"Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Nasaan na pala si Jaden ngayon?" Tanong ko.

Umiling naman si Daniel saka ito umupo sa tabi ko.

"Nasa police station sila kasama si Sam. Dadalhin na rin nila sa Morge si Mason." Sabi niya.

Napayuko naman ako saka tumango nalang. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magagawa ni Jaden ang bagay na iyon sa mga magulang ni Alec. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin at gawin. Mali ang ginawa ni Jaden pero napatawad pa rin siya ni Mason sa kabila nun.

"Trinity, are you still in love with Jaden sa kabila ng nagawa niya noon sa mga magulang ni Mason?" Biglang tanong ni Kyle sa akin dahilan para mapahinto ako.

Sa totoo lang ay kahit nalaman ko iyon ay mahal ko pa rin si Jaden pero maling-mali ang ginawa niya.

"Yes, I still love him pero.. hindi ko alam kung ano ba ang tama at mali. Mali ang ginawa niya at-"

"Pero pinatawad naman na siya ni Mason. Mason wants you to be happy kaya nga hindi niya itinuloy ang balak niyang patayin si Jaden, 'di ba? Trinity, as Mason's last wish ay sana maging masaya ka kay Jaden ngayong wala na siya. Huwag mo nang isipin pa ang nakaraan at maging masaya ka nalang sana kasama ang taong mahal mo." Arthur said.

Tama si Arthur, nagparaya si Mason kay Jaden dahil mahal niya ako at gusto niyang maging masaya ako. Mali ang ginawa ni Jaden noon pero sabi nga ni Arthur ay nakaraan na iyon at pinatawad na rin naman ni Mason si Jaden. Hindi ko pwedeng pigilan ang nararamdaman ko at dapat ay sundin ko kung ano ang tinitibok ng puso ko.

Ngumiti ako sa sinabi ni Arthur. "Salamat, Arthur."

"Wala 'yon, Trinity. We want you to be happy kasama si Jaden." Sabi niya.

"Psh. That moron is so lucky to get you. Imagine? Pinatawad na nga siya ni Mason tapos nakuha ka pa niya? That's unfair." Naiiling na sabi ni Ben na tinawanan naman ni Kevin.

"Oo at ang masasamang damo talaga ay hindi madaling mamatay." Seryoso namang sabi ni Daniel at umiling nalang din ito.

Tumawa naman ang TREASURE guys sa sinabi ni Daniel.

Ilang oras pa ay dumating naman sila Mommy kasama sila Kuya Troy at Ate Vanessa. Kasama rin nila sila Chae, Leo, Bonnie at Micca. Umalis na rin ang TREASURE guys at sinabi nilang dadalawin nalang nila ulit ako bukas.

Inasikaso nila ako habang nasa ospital ako hanggang sa maggabi na. Umuwi na rin ang mga kaibigan ko at ang naiwan nalang sa ospital ay si Kuya Troy. May aasikasuhin pa muna mula sa kompanya si Mommy at si Ate Vanessa ay umuwi na para naman asikasuhin si Val.

"May bisita ka." Ani Kuya Troy at nagulat nalang ako nang pumasok mula sa confine room ko si Jaden.

Iniwan kami ni Kuya Troy at isinara na nito ang pintuan. Lumapit naman sa akin si Jaden at umupo ito sa gilid ng kamang hinihigaan ko.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon