Chapter 29 - We're Now at Peace

3K 126 10
                                    

Trinity's POV
Lumipas ang dalawang linggo at wala pa rin pagbabago sa buhay ko. Kami pa rin ni Jaden at masayang masaya ako sa tuwing kasama ko siya. Hindi ko pa nasasabi kila kuya at sa parents ko na boyfriend ko na si Jaden at sigurado na ako na siya ang pipiliin kong maging fiancé sa labindalawang lalakeng kasama ko sa TREASURE House.

I discovered that Jaden can rap kasi last night ay sinorpresa niya ako ng isang dinner date sa veranda ng bahay. He performed a rap song tungkol sa kung paano kami nagkakilala. Sobrang napasaya niya ako dahil sa surprise niya. February na rin pala at malapit na akong grumaduate. I'm sure na mamimiss ko ang YGA at pati na rin ang mga friends at naging friends ko don kapag nakagraduate na ako. Kapag nagkaroon na kasi kami ng trabaho ay minsanan nalang kaming magkikita-kita pero ika nga nila, may hangganan ang lahat ng bagay pero walang hangganan ang pagmamahal ko kay Jaden. Naks! Ako na ang sweet na girlfriend.

Weekends ngayon at wala si Jaden dahil may inaasikaso daw ito sa kompanya nila. Mamayang gabi pa siya makakauwi kaya nandito lang ako sa bahay, sa may sala at pumapapak ng strawberries. Yung iba namang kasama ko dito sa bahay ay may mga pinuntahan din. Busyng busy pa rin ako sa pagkain ng strawberries nang pumasok si Arthur na naka t-shirt pero may nakapatong na jersey shirt sa suot niya. Naka jersey shorts rin siya at may hawak na bola na mukhang pagod na pagod at halatang kakatapos lang niyang magbasketball dahil pinagpapawisan siya.

Tuloy tuloy lang siyang naglakad at umupo sa isang single sofa na di kalayuan sa akin. Mukhang hindi rin niya ako napansin dahil busy siya sa pagtetext sa cellphone niya. Nang matapos na siya ay nagulat pa ito nang mapansin niya na ako. Kaagad naman siyang umiwas ng tingin sa akin.

This past few days ay napapansin ko na ilang na sa akin si Arthur at pati na rin si David. Palagi nalang silang umiiwas sa akin.

Tumigil muna ako sa pagkain ng strawberries at kinausap siya. "Arthur, galit ka ba sa akin?" Mukhang nagulat naman siya sa tanong ko.

"H-ha? Hindi ah." Still ay hindi pa rin siya makatingin sa akin ng diretso.

"Eh bakit parang iniiwasan mo na ako?" Bumuntong-hininga siya sa tanong ko at nagpunas ng pawis gamit ang towel na nakasukbit sa balikat niya.

"Baka kasi magselos yung boyfriend mo kapag nakita niyang malapit kami sayo. Seloso kasi 'yon si Jaden."

Seloso si Jaden? Kung sabagay ay parang nga dahil nagseselos yata iyon kapag kinakausap ako ni Travis.

"Pero kaibigan naman kita at maiintindihan 'yon ni Jaden. Isa pa, ayoko na umiiwas ka sa akin dahil you're such a good friend to me," Napatingin siya sa akin at nginitian ako. He's handsome talaga.

"S-slamat. Sige, hindi na kita iiwasan," Natuwa naman ako sa sinabi niya kaya lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Thank you, Arthur." Niyakap niya ako pabalik.

"Uy.. basa ako ng pawis, Trinity." Basa nga siya ng pawis pero kahit ganon ay ang bango pa rin niya. Wala naman yatang mali dito kay Arthur kasi parang perfect na siya sa lahat. Bumitaw na ako sa pagkakayakap sa kanya at nginitian siya.

"Basta, thank you. Huwag mo na ulit akong iiwasan ha? Akala ko kasi ay galit ka sa akin." Ginulo naman niya ang buhok ko.

"Silly! Oo na, hindi na kita iiwasan."

Someone's POV
Ilang linggo rin akong nanahimik at pilit pinapakalma ang aking sarili lalo pa't sina Trinity at Jaden na. Akalain mo nga naman, ang tatahi-tahimik na si Jaden ay sinunggaban agad ang pinakamamahal kong babae. At ito namang si Travis, akala ba niya ay hindi ko alam na nagpaplano sila ni Roxanne na paghiwalayin sina Trinity at Jaden? Tss. Stupid plan!

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now