Chapter 23 - Come To Me

4.4K 161 25
                                    

Trinity's POV
Nagising ako mula sa puting kisameng nakikita ko. Naalala ko na nasa ospital nga pala ako, dito ako dinala ni Jaden mula nang niligtas niya ako kay GD. Akala ko ay tuluyan na akong makukuha ni GD pero dumating si Jaden para iligtas ako. Papaano niya nalaman na nakila GD ako? Ayoko na munang mag-isip at gusto kong makapagpahinga. Iginala ko ang tingin ko mula sa kwarto, nakita ko si Jaden sa gilid na natutulog habang nakahawak sa kamay ko. Nakaswero na pala ako at naka hospital dress, ramdam ko ang kirot mula sa sikmura ko, marahil ay ito ang epekto ng pagkakasuntok sa akin ni GD. Naalala ko kung paano niya ako babuyin, nagmakaawa ako pero tila bingi siya at hindi ako pinakinggan hanggang sa mawalan na ako noon ng malay.

Pinagmasdan ko si Jaden at hinaplos ang kanyang buhok. Nagpadye na pala siya ng buhok, itim na ito at hindi na kulay dilaw pero kahit na ganon ay mas lalo pa siyang gumwapo. Yung puso ko ay tumitibok na naman ng sobrang bilis kapag nakikita ko siya at ganito kami kalapit sa isa't-isa. Bakit ganito na naman ang puso ko? Nararamdaman ko rin ito dati mula kay Jojo. Nagkakagusto na ba ako kay Jaden? Hindi ko alam pero masaya at palagay ang loob ko kapag kasama ko siya.

Gumalaw ito hanggang sa nagising na siya, hindi ko kaagad nabawi ang kamay ko kaya nagulat siyang nakahawak ako sa buhok niya, agad ko naman iyong binawi.

"Gising ka na pala. Okay na ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalala nitong tanong sa akin. Napangiti ako nang makita na sobra siyang nag-aalala para sa akin.

"Okay na ako. Maraming salamat at niligtas mo ako, Jaden," Hinaplos naman niya ang buhok ko na ikinakilig ng sistema ko.

"Wala 'yon Trinity, nandito lang ako para protektahan ka katulad ng sinabi ko sayo noon."

Hindi ko na napigilan at nagtanong na ako. "S-si GD.. a-ano nang nangyari sa kanya?" Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyari kay GD matapos ang insidenteng iyon.

Natahimik sandali si Jaden bago muling nagsalita. "Nakakulong na siya, pupuntahan ka dito ngayon ng kuya at mga kaibigan mo saka dadalaw sila Sam kapag nakaalis na sila." Tumango na lamang ako. Nakakulong na pala si GD. May awa akong nararamdaman para sa kanya pero kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya sa akin.

"P-paano mo pala nalaman na nakila GD ako?" Ito rin ang tanong na gusto kong malaman ang sagot.

Napakamot siya ng ulo at nahihiyang tumingin sa akin. "A-ano.. susunduin dapat kita sa YGA kaso pagdating ko don ay may narinig akong nag-uusap at sinabi nila na nakita ka raw na pumasok sa kotse nung GD na 'yon. As far as I know, si GD yung pinsan ni Kyle at sinabi niya sa akin kung gaano kabarumbado iyon. Kinutuban agad ako at tinawagan si Kyle para malaman kung saan siya nakatira, sinamahan niya ako sa condo nito at pumasok kami sa loob nang makarating na kami. Pinasok namin ang lahat ng kwarto na meron sa condo niya hanggang sa napasok namin ang pinagdalhan niya sayo. I-Ive almost killed him when I saw him kissing you at wala kang malay.." Bigla ay napaluha ako at niyakap siya.

Kung hindi dahil sa kanya ay hindi na ako maliligtas mula kay GD. Ngayon, narealize ko na kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya. Gusto ko si Jaden.. ah hindi, mahal ko na siya. Ang tanga ko lang para hindi 'yon marealized kaagad.

"Thank you so much," He caressing my back.

"Lahat gagawin ko para sayo dahil.." Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang mga kamay ko at tinitigan ako ng seryoso.

"Trinity Li Hernandez, I love you." Parang biglang huminto ang buong mundo ko dahil sa sinabi niya, may kung ano sa sikmura ko ang umiikot at yung puso ko ay tumitibok ng sobrang bilis.

Mahal daw niya ako? Pareho kami ng nararamdaman at sobrang saya ko ngayon.

"P-paano?" Nauutal kong tanong.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now