Chapter 37 - Dirty Move

5.6K 167 57
                                    

Trinity's POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na si Jaden na taong minahal ko ay si Jojo pala na kababata kong hindi na ako muling binalikan pa. Napakasakit dahil niloko niya ako at pinaikot sa mga kasinungalingan niya. Kung hindi ko ba napakinggan ang CD recorder na 'yon ay hindi siya aamin sa akin? Sino ang nagpadala ng cd na iyon? Isa lang rin ba siya sa kasama ko noon sa TREASURE House?

"You're spacing out again." Puna sa akin ni Travis.

Simula nang mabuko at nakipaghiwalay na ako kay Jaden ay si Travis na palagi ang kasama ko. Nalaman ko na close pala siya ng pamilya ko at may tiwala rin sila dito. Si Eugene naman ay busy na sa pag-aaral at pagtulong sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Sinabi niya pa sa akin na 'wag daw akong magtitiwala kay Travis dahil hindi maganda ang kutob niya dito. Nagtaka naman ako dun. Bakit parang hindi tiwala si Eugene sa mga kaibigan ko? Mahirap ba silang pagkatiwalaan?

Napaayos naman ako ng upo. "M-May iniisip lang ako." Umupo siya sa tabi ko at pinagsalop ang kamay naming dalawa na ikinailang ko.

"If its Jaden then don't. Niloko ka na nga niya and he even lied to us on his real identity. Dapat lang na magalit ka sa kanya dahil sa ginawa niya sayo."

Nagagalit nga ako kay Jaden pero hindi ko tuluyang magawang magalit sa kanya na hindi ko maintindihan sa sarili ko. Gusto ko rin naman na marinig ang side niya kung bakit niya nagawa sa akin ito pero sa ngayon ay napapangunahan ako ng galit sa kanya.

Nanatili akong tahimik. Hinapit bigla ni Travis ang katawan ko sa katawan niya at bumulong sa akin na mas lalo ko pang ikinailang.

"Let's drink? Para naman kahit papaano ay makalimutan mo ang panggagagong ginawa sayo ni Jaden." Tinignan ko siya sa mga mata niya at tila naguluhan ako dahil nakikita ko 'yung pagnanasa niya sa hindi ko malamang dahilan.

"Trinity, 'wag kang magtitiwala sa Travis na 'yun. I can sense na manganganib ang buhay mo sa kanya. Hindi maganda ang kutob ko sa lalakeng iyon."

Bigla ay pumasok sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Eugene. May point rin naman siya dahil hindi ko pa lubos na kilala si Travis. His look is so harmless pero dapat ay hindi ako makampante.

Lumayo ako sa kanya "Next time na lang siguro, wala ako sa mood." Umiwas ako ng tingin dahil tinititigan niya ako ng mariin.

He sighed and cross his arms while still looking at me. "Are you afraid of me? Don't worry I won't bite." Then he laughed. Kinabahan ako dun.

We are here in our house. Hindi na ako grounded at nakakapasok na rin ako sa YGA. Galit ang mga kaibigan ko kay Jaden and my mother, parang expected na talaga niya na masasaktan ako.

"No, I'm not." Sagot ko na lang. Tumawa ulit siya.

"Pinagtatawanan mo ba ako?" Nakataas na kilay kong tanong.

He suddenly stopped from laughing at seryoso akong tinignan. "Maybe naiilang ka sa akin and for the 2nd time ay tinaasan mo ulit ako ng kilay at sinusungitan. I still remember our first encounter at the bar." Ngumiti siya. Bakit ba ang gwapo ng lalakeng ito kahit ngumingiti pa?

Lumapit siya ulit sa akin at hinawakan ako sa kamay ko. "You can trust me Trinity. You know how much I like you and I'll do anything for you."

Nakonsensya naman akong bigla. Travis cares for me so much tapos ay sinusungitan ko pa siya? Ang sama ko na yata.

"I'm sorry kung nasungitan pa kita." Nakatungo kong sabi.

He lift up my chin at ayan na naman po ang million dollar smile niya na kinababaliwan ng mga babae.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now