Chapter 3 - Let the Battle Begins

12.7K 529 128
                                    

Someone's POV
Nakatitig lamang ako sa litrato ng babaeng gusto kong makasama habambuhay. Gagawin ko ang lahat makuha ko lang siya lalo na't nalaman ko na makakasama ko siya kasama ang labindalawa ko pang mga kaibigan. Hinding-hindi ako papayag na hindi ako ang magiging fiancé niya. Dapat ako at ako lang!

Papatayin ko lahat ng mga hahadlang sa amin ng aking iniirog. Ayaw na ayaw ko na sinisira at aagawin ang pag-aari ko. Pag-aari ko si Trinity at sa akin siya ng buong buo.

"Trinity Li Hernandez, 18 years old, 4th year college student in YG Academy. The Campus Heartthrob Princess, only daughter of Mrs. Isabella Hernandez and Jorge Hernandez. She have a two brother named Troy and Tristan Hernandez and this georgeous and young lady has N-O B-O-Y-F-R-I-E-N-D." Pagkatapos kong mabasa ang isang folder na naglalaman ng lahat ng background tungkol kay Trinity Hernandez ay ininom ko ang baso ko na may lamang wine at sumandal sa aking swivel chair.

"Sir, nandiyan na po ang lahat ng background ni Ms. Hernandez." Sabi ng private investigator ko.

"You're fired." Sabi ko habang nagsasalin ng wine sa aking baso.

Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "S-sir? B-bakit po?"

"May kulang sa background na binigay mo." Tumayo ako at inihagis sa mukha niya ang folder na naglalaman ng lahat ng background tungkol kay Trinity.

"P-pero sir, sinigurado ko po na kumple-"

"Nakalimutan mo yata ang background niya na.. She's now a property of mine and mine, and yes, she is mine.. now." I smiled devilishly to this idiot and stupid private investigator.

"Sir-"

"You're fired." I said calmy. Kanina pa niya inuubos ang pasensiya ko.

Lumuhod siya sa akin at hinalikan ang sapatos ko. "Maawa na po kayo sa akin sir, ako na lang po ang inaasahan ng pamilya ko. May sakit pong cancer ang anak ko at-"

Bang!

He lost my temper so I bang him with my beautiful gun.

"Inubos mo ang pasensiya ko Mr. Reyes kaya ayan tuloy, mapupunta ka na sa impiyerno." I smirk again at pinunasan ang damit kong natalsikan ng dugo ng bobong private investigator na 'to gamit ang tissue na nakapatong sa table ko.

"Nadumihan pa tuloy 'tong maganda kong tshirt na favorite brand pa naman Trinity. Tsk tsk!"

Travis' POV

"Travis, bakit tulala ka na naman diyan? Ilang araw ka nang ganyan."

"Oo nga tol, siguro nakakakita si Travis ng multo."

"Baka minumulto na siya ng mga nagiging girlfriend niya. Hahaha!"

Pak!

Binatukan ko lang naman si John. Panira kasi.

"Aray naman Travs, masakit 'yon ha?" John na hinihimas-himas 'yong leeg niyang binatukan ko.

Tinignan ko siya ng masama saka ipinagpatuloy ko ang pagtingin sa kawalan. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin makalimutan 'yong pagpapahiya na ginawa sa akin nung babae sa may bar. Ang swerte nga niya dahil ako pa ang unang lumapit sa kanya, kadalasan kasi ay ako ang unang nilalapitan ng mga babae tapos ang babae na 'yon ay inisnob lang ako? Sa gwapo kong 'to? Hindi matanggap ng ego ko ang mga pangyayaring 'yon. She don't want to talk to the strangers like me daw? Magkikita't-magkikita pa rin kami at sisiguraduhin kong makukuha ko rin siya.

"I think it's a girl." Napatingin ako sa nagsalitang si Arthur. He's right. Babae nga ang iniisip ko.. Babaeng ipinahiya ako sa bar.

"Haha! Babae nga pala talaga ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Travis. Ang Cassanova ba ng TREASURE ay nakahanap na ng katapat niya? Kwentuhan mo naman kami." Inakbayan ako ni Jun.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now