Chapter 35 - The Revelation

3K 120 3
                                    

Ben's POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakokonsensya ako sa mga sinabi ko kay Trinity kanina sa mall. Bakit ba ako nakokonsensya? Tama naman ako hindi ba? Na siya ang panggulo sa aming magkakaibigan at masaya kami na wala siya. Masaya nga ba? Eh yung mga kaibigan ko ay malaki na ang pinagbago simula nang hindi na nakatira sa TREASURE House si Trinity. Masyado na silang tahimik. Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon sa mga kaibigan ko? Isa pa si Jaden, nabalitaan ko na araw-araw daw siyang nagpupunta sa bahay nila Trinity pero hindi raw siya pinapapasok ng mga bodyguards don. For the first time, I saw him crying because of that woman. Is he really love Trinity? C'mon Ben! Iiyak ba 'yon kung hindi? Okay, I admitted that I like Trinity pero kung hindi rin lang naman siya mapupunta sa akin ay mas mabuti pa na magalit nalang ako sa kanya. She doesn't deserve my friends too. Nalaman na rin pala niya na kaibigan ko si GD. Mabuti at hindi niya nalaman na isa ako sa may pakana para i-rape sana siya ni GD.

"Ano? Titigil na rin ba ang buhay ninyo kung wala dito si Trinity?" Pambasag ko ng katahimikan habang kumakain kaming lahat. Isang linggo na silang parang namatayan. At ang maingay na si John ay para nang pipi. Wala ni isang nagsasalita sa kanila. Limang araw na rin wala si Travis simula nung nag-away sila ni Jaden. Kasalanan naman niya ang lahat.

"Nakakamiss kasi siya," Matamlay na sabi ni John at umub-ob ito sa lamesa.

"Kinda. Her smile, her laugh, her voice.. nakakamiss." Sabi naman ni Justin.

Tsk. Para namang nakadepende ang buhay nila sa isang babae.

Bigla namang tumayo si Jaden at akmang aalis na nang magsalita si Kevin.

"Saan ka pupunta?"

"Basta." At umalis na ito.

Umiling na lamang si Kevin at pinagpatuloy ang pagkain niya. "Of course, he's going again to Trinity's house." Siya na ang sumagot ng mismong tanong niya.

"Kasalanan 'to ni Travis! Kung hindi dahil sa kanya ay hindi mangyayari ang lahat ng 'to." Ani Arthur.

Nalaman na rin namin na siniraan pala ni Travis si Jaden sa pamilya nila Trinity. I didn't expect na ang isang babaerong katulad ni Travis ay gagawa ng isang bagay para lang makuha ang gusto niya kahit kapalit pa nun ay ang pagkakaibigan namin.

"Wala naman tayong magagawa e, in love rin siya kay Trinity at siguro iniisip niya na inaagawan na naman siya ni Jaden like what happened before kay Roxanne." - Jun

Isa din 'tong si Jun. Akala ba niya na hindi ko alam na naging girlfriend niya si Roxanne noon?

"Kumain na nga lang kayo." Pag-imik bigla ni Sam na kanina pa nakakunot-noo sa pinag uusapan nila.

Natahimik na sila at kumain nalang. Natapos na kaming kumain at yung iba ay naghahanda nang pumasok sa trabaho nila. Nag quit na ako bilang isang modelo sa modeling agency na pinapasukan ko. Ayoko man pero kailangan ko na rin magtrabaho sa kompanya ng parents ko.

I was about to go in my room dahil inaantok na ako nang tinawag ako ni Daniel.

"Ben, pwede ba kitang makausap?"

"Pwede naman, so what we're going to talk to?"

"It's about Trinity," Sabi ko na nga ba.

"What about her?" He looked at me apologetically.

"Please don't be mad at her. She doesn't deserve to be hated. Hindi naman niya kasalanan kung hindi tayo nagkakasundo. It's our fault. I'm begging you Ben," I sighed. Talagang mahal nila si Trinity pero masisisi ba nila ako kung nagagalit man ako sa kanya? Maybe he's right that it's not Trinity's fault pero isa pa rin siya sa dahilan kung bakit nagkakagulo kami.

Living with the 13 GuysDove le storie prendono vita. Scoprilo ora