Chapter 50 - Slowmotion

3K 96 10
                                    

Jaden's POV

Lumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na 'yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.

Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.

Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.

Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa't-isa habang nakaholding hands na nakaupo sa buhanginan at pinagmamasdan sina John at Micca na nagtatalo nang dahil lang sa mas naunang kumain si John at hindi na hinintay pa si Micca na nagsiswimming kanina sa dagat kasama si Trinity.

Naaalala ko pa na noong teenager kami ay masyadong takot 'tong si John sa mga babae. Nabago lang 'yon nang naturuan siya nila Daniel at Jun kung paano makipag-interact sa mga babae.

Takot pa rin naman si John sa mga babae ngayon, kay Micca nga lang.

"Bagay na bagay talaga sila John at Micca, no?" Nakangiting sabi ni Trinity habang pinagmamasdan pa rin sina John at Micca.

"Oo nga, e. They are both youngest too." Sabi ko naman.

Bigla ay itinuro sa akin ni Trinity sina Bonnie at David na nag-uusap sa lilim ng puno.

"Look at Bonnie and David, too. They look good together, right? Kaso inamin sa akin ni Bonnie na fiance niya na pala si Theo Natividad na schoolmate namin at mahal niya daw ito. Bet ko pa naman si Bonnie kay David pero kung si Theo ang mahal niya ay wala na akong magagawa don. It looks like Bonnie and David are good friends naman."

Tinignan ko sina Bonnie at David. Trinity is right, they look good together pero alam ko naman na hanggang ngayon ay may gusto pa rin si David kay Trinity but I'm glad that he accepted me as Trinity's boyfriend.

"Parang pinagtagpo pero 'di tinadhana." Nakangiti kong sabi.

Natawa naman siya sa sinabi ko at hinilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

I'm the happiest guy in the world dahil kasama ko si Rinrin o Trinity na kababata ko at minahal ko simula noong una palang. Ang akala ko ay hindi na ako sasaya nang ganito. Sa dami ng pagsubok na dinaanan namin ay magiging maayos rin pala ang lahat.

"I love you, Trinity.." I said.

She smiled at me. "I love you too, Jaden."

"Wow naman! Ang lovebirds ay nagsosolo dito. Medyo masakit sa paningin para sa aming mga single pero ganon talaga." Nagkunwari pang parang nahihirapan huminga si Sam nang makalapit sila sa amin kasama ang iba pang TREASURE guys.

"Baliw!" Natatawang sabi ko at sinabuyan siya ng buhangin na ikinailag naman niya.

"Hindi ka naman mabiro, Jaden. By the way, kailan niyo naman balak nagpakasal?" Nakangising sabi nito na ikinabigla naman namin ni Trinity.

"What? So you're the one who's forcing them to get married? They know what they are doing at masyado pa namang maaga para magpakasal sila." Nakakunot-noong sabi ni Ben at humalukipkip pa ito.

"Kaya nga. Mas mukhang excited ka pa kaysa sa kanila, e!" Sabi naman ni Justin.

"Why not? Mahal naman ni Trinity si Jaden kaya pwede silang magpakasal anytime." Nakangiting sabi ni Kyle at kinindatan ako.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon