Chapter 26 - New Rival To Jaden's Heart

3.7K 133 4
                                    

Trinity's POV

Nakalabas na rin ako ng ospital after what happened to me. Umuwi pa si mommy galing Europe para tignan ang kalagayan ko. Nagkasundo nalang sila kuya, mommy at Mayor Buenavista na dalhin sa amerika si GD para hindi na maulit pa ang nangyari sa akin. Pumayag nalang ako dahil kahit papaano ay naaawa pa rin ako sa kanya. Hindi ko naman kasi kayang magtanim ng sama ng loob sa isang tao. Si kuya Tristan daw ay malalayo muna sa amin dahil sa pribadong problema niya. Nagulat ako don dahil baka hindi na kami magkita pa. Mamimiss ko si kuya at pilit nalang siyang inintindi. At ngayon, sinabi ko na sa mga kaibigan ko na kami na ni Jaden. Nagulat din sila don dahil akala nila ay magiging kami ni Daniel. Pinaliwanag ko naman sa kanila ang lahat at naiintindihan nila ako. Si Daniel ay alam kong galit sa amin ni Jaden, hindi niya kami pinapansin at palagi rin siyang wala sa bahay. Nasaktan ko ang nararamdaman niya para sa akin at sana lang ay mapatawad pa niya ako. Hindi na muna ako pinapasok ni Jaden dahil baka raw magkasakit pa ako lalo na kapag nagpumilit pa akong pumasok. Kaya ko namang kumilos pero kung itrato niya ako ay para nang isang baby, deep inside ay kinikilig ako dahil concern siya sa akin.

"Simula ngayon, ako na ang maghahatid-sundo sayo baka kasi maulit pa yung nangyari and I wont allowed that." Sabi ni Jaden na nakaakbay sa bewang ko. Nandito kami ngayon sa sala at nagmomoment.

"Oo na po," Natatawang sabi ko. Tinignan ko siya. Napakaswerte ko dahil mahal niya ako at ang gwapo gwapo pa niya. Naaalala ko na naman sa kanya si 'J' dahil ngayon ko lang napansin na magkamukha sila pero imposible naman iyon dahil kung mahal niya talaga ako ay noon pa lang ay nagpakilala na siya sa akin. Ay! Ano ba 'to! Bakit ko pa ba siya iniisip e, may Jaden na ako?

"Gwapo ko no?" Nakangising sabi niya. Hinampas ko siya ng mahina sa braso.

"Kapal mo! Hindi kaya." Hindi ko aaminin na gwapo siya dahil baka mas lalo lang lumaki ang ulo nito.

"Sus, hindi daw? Grabe ka nga kung makatitig sa akin.."

I rolled my eyes. "Ang panget mo kasi." Then he chuckled. Palihim naman akong napangiti dahil ang sarap lang pakinggan ng tawa niya.

Siguro para sa inyo ay napakabilis na naging kami pero ano pa ba ang magagawa namin kung mahal na namin ang isa't-isa? Wala naman sa tagal ng pinagsamahan iyan kundi kung paano kayo magtitiwala at haharapin ang mga pagsubok na darating sa inyo. Habang nagkukulitan kami ni Jaden ay biglang pumasok si Travis na nakangiti sa aming dalawa. Hindi na ba siya galit dahil sa pambabasted ko sa kanya?

Lumapit siya sa amin habang nakapamulsa.

"Congrats, Trinity and Jaden!" Masayang bati niya.

Nginitian ko naman siya. Marahil ay tanggap na niya. "Salamat, Travis."

Ngumiti lang din si Jaden pero halata namang pilit. Bakit kaya?

"So paano.. iiwan ko na kayong dalawa. Congrats ulit." Sabi pa niya at umalis na rin. Natahimik naman si Jaden nang umalis na si Travis.

"May problema ba?" Umiling siya.

"Nothing. Tara, kumain na tayo," Hinila niya ang kamay ko papatayo at wala na rin akong nagawa kundi magpahila at dumiretso na kami sa kusina.

**
8pm at natapos na kaming kumain ng dinner. Hindi namin nakasalo si Daniel dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi dito sa bahay. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko dahil kung hindi dahil sa akin ay hindi siya magagalit ng ganito. Alam ko naman na napaasa ko siya at nasaktan ang damdamin niya pero ano ba ang magagawa ko kung si Jaden talaga ang mahal ko? Kailangan ba talagang may masaktan na ibang tao para lang sumaya ako? Sa tanang buhay ko ay ngayon lang naging ganito kakumplikado ang sitwasyon ko. Ang hirap at nakakabaliw, dahil pa sa mga lalake.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon