Chapter 36 - We're Over

3.1K 127 16
                                    

Kevin's POV
Nandito kami ngayon ng TREASURE guys sa bar. Sinasamahan namin sa paglalasing si Jaden. Nabalitaan kasi namin na nakipaghiwalay na sa kanya si Trinity dahil nalaman nito na si Jaden ang kababata niya na hindi na siya binalikan sa matagal na panahon. Hindi man lang niya sinabi sa amin na kababata pala niya si Trinity kasi natatakot raw siyang umamin dahil baka layuan siya nito. Kung hindi rin naman siya tanga at pinaasa na babalikan pa niya ang kababata niya ay malamang  na magagalit talaga 'yon. Matagal na rin pa lang alam ni Sam ang lahat kaya siya na ang nagpaliwanag sa amin ng lahat-lahat. Kaya pala nakikita ko na noon pa kay Jaden na para bang matagal na niyang kilala si Trinity dahil kababata niya 'to. Nalaman raw ni Trinity ang lahat dahil may nagpadala ng CD sa kanya habang nag-uusap sina Jaden at Sam patungkol sa kanya. Marahil ay si Travis ang gumawa non.

Kung may galit na galit sa nangyari, ayon ay si Daniel. Nagagalit siya dahil nagsinungaling si Jaden sa amin at sinaktan pa ang damdamin ni Trinity. Kung hindi nga lang namin siya naawat kanina ay malamang na napatay na niya si Jaden. Nakikita ko kung gaano kahalaga sa kanya si Trinity at ayaw nito na nasasaktan. Galit rin ang iba sa amin dahil sa ginawa ni Jaden.

"Ang tanga tanga ko!" Sabi ni Jaden sabay tinungga ang pang-pito nitong bote ng alak at sumubsob na sa lamesa dahil sa kalasingan.

"Tanga ka talaga." Segunda ni Arthur na galit rin kay Jaden.

"Arthur, pwede bang manahimik ka nalang? May dahilan si Jaden kung bakit hindi na niya nabalikan si Trinity." Pagdedepensa ni Sam na ikinatawa naman ni Arthur.

"At ano naman? Nagsinungaling siya sa atin at sinaktan pa niya si Trinity. Hindi siya marunong tumupad ng pangako," Napatayo na ito habang tinititigan ng masama si Jaden. Bakit ba masyado siyang apektado?

"Will you please calm down, Arthur? Walang magagawa 'yang pagrarant mo dito." Sabi ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin ng masama.

"At siya pa ang kinakampihan mo Kevin imbes na ako na bestfriend mo? Siya na nga 'tong may kasalanan tapos ipagtatanggol mo pa?" Hindi makapaniwala nitong sabi.

I sighed. "Hindi sa ganon-" Nagsalita itong bigla.

"I get it. Ano pa nga ba e, palagi niyo namang kinakampihan si Jaden kahit na mali siya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit naiinggit sa kanya sina Daniel at Travis kasi palagi nalang si Jaden ang mabait sa paningin ninyo!"

Lahat kami ay natahimik sa sinabi ni Arthur habang si Jaden naman ay nakasubsob pa rin sa lamesa at lasing na lasing na talaga. Ngayon lang din siya naglabas ng saloobin niya.

Napatayo si Mason at nilapitan si Arthur. "We're not defending Jaden. Ang sa amin lang ay kailangan na maging kalmado tayong lahat. We should listen to Jaden's side." Umiling si Arthur.

"Hindi. Malinaw na sa akin ang lahat. Anghel si Jaden sa paningin ninyo!" At kaagad siyang umalis.

Napailing nalang si Mason at umupo na sa pwesto niya.

"Lasing na lasing na ang isang 'to." Turo ni John sa katabing si Jaden.

"Brokenhearted e," Sabi ni Jun at tumungga ng beer.

"Mali naman kasi ang ginawa niya. Naglihim siya at hindi inamin ang totoo kay Trinity but I understand him because he don't want to be rejected." Sabi naman ni Kyle.

"Because he loves Trinity at siguro ay reasonable naman ang dahilan niya kung bakit hindi niya agad nabalikan si Trinity." Justin said.

"Talaga bang hindi mo alam ang dahilan kung bakit hindi kaagad nabalikan ni Jaden si Trinity, Sam?" Tanong ni David kay Sam.

"Hindi niya sinabi sa akin. Yung ikwinento ko lang sa inyo ang sinabi niya sa akin." David nodded. Maybe galit rin siya kay Jaden.

May lalakeng papalapit sa pwesto namin at hindi ako nagkakamali, ito si Jerome na bestfriend ni Trinity. Kalmado lang siya pero halatang nagagalit.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now