Chapter 19 - In Tagaytay (Part 1)

5.5K 193 14
                                    

Trinity's POV
Ang bilis ng panahon, weekend na naman at mabobored ako dito sa bahay. Tuloy pa rin ang panliligaw sa akin si Daniel, nakikita kong ginagawa niya ang lahat para sa akin at nakakakonsensya nga lang dahil kahit anong gawin niya ay hindi ko pa rin siya magustuhan. Sasabihin ko ba na huwag na niya kong ligawan? Ayoko naman kasi na paasahin ko siya sa wala. Sige, pag-iisipan ko.

Kasama ko yung siyam na lalake dito sa may sala. Wala sila Kevin, Jun, Ben at Daniel dahil may kanya-kanya silang pinuntahan. Medyo naaawkwardan nga ako dahil katabi ko sa sofa sina Jaden at Travis. Napapagitnaan ako ng dalawang lalakeng nagagawang patibukin ang puso ko. Focus lang sila sa panonood habang ako naman ay ilang na ilang sa kanilang dalawa.

"Hayy.. ang boring." Sabi ni John at humiga sa sahig.

"Sinabi mo pa, nakakaboring sa bahay na 'to. Ano ba ang magandang pwedeng gawin?" Tanong ni Arthur.

"Pumunta na lang kaya tayo sa resthouse nila Kyle?" Nabaling naman ang lahat kay Kyle dahil sa suggestion ni John.

"Okay lang naman sa akin na pumunta tayo don." At napa 'Yes' naman sila.

"Saan ba yung resthouse nila Kyle?" Tanong ko sa katabi kong si Jaden.

Magsasalita na sana siya nang bigla namang sumabat si Travis. "Sa Tagaytay lang, I'm sure you will love that place, it's very beautiful." Titig na titig siya sa akin habang sinasabi niya iyon kaya napatango na lang ako. Nang tinignan ko si Jaden ay napaiwas naman ito ng tingin.

"Kung gusto mo Trinity, pwede mo rin isama ang mga kaibigan mo para may kasama ka ring babae o kakilala mo." Sabi ni Kyle na mukhang may tinetext sa cellphone niya.

"Okay lang ba?" He nodded.

Dali-dali ko namang kinuha ang cellphone ko sa aking suot na maong short at tinawagan isa-isa ang mga kaibigan ko. Hindi ko na tinawagan sina Jerome at Leo dahil alam kong busy sila.

(Sorry girl, hindi ako pwede. Pinapapunta kasi ako ni mama sa Lucena para dalawin ang lola ko) - Micca

(Gusto ko sanang sumama kaso nga lang may iaattend kaming business matters ni mommy. Next time babawi nalang ako sayo) - Chae

(Sure! Sasama ako, sa Tagaytay ba? Sige mag-iimpake na ako at pupunta nalang ako diyan. Bye! Mwua!) - Bonnie

Mabuti nalang at hindi busy si Bonnie kaya kahit papano'y may makakasama rin akong babae sa resthouse nila Kyle sa Tagaytay. Talaga nga palang rich kid siya dahil may resthouse pa sila, kung sa bagay ay kamag-anak niya sila Mayor Buenavista.

"Si Bonnie lang ang free ngayon." Sabi ko sa kanila.

"Atleast may kasama kang babae." - David

Naaalala ko pala na may crush si Bonnie kay David, hindi ko rin naman masisisi si Bonnie dahil gwapo naman talaga si David at mabait pa, binigyan pa nga niya ako ng Pink Bear e. Paano kaya kung paglapitin ko sila mamaya? Tama! Good idea.

Tumango ang lahat. "Okay, let's pack our things now." Pinatay na ni Sam ang tv at d
Dvd player at nagsitayuan na rin kami.

Maglalakad na sana ako papunta sa kwarto ko nang bigla akong higitin ni Travis sa braso ko at hinarap sa kanya.

"Tabi tayo mamaya sa van ah?" Nakangiti nitong sabi.

Bigla na namang bumibilis ang tibok ng puso ko kapag kaharap ko siya. Nagkakagusto na ba ako kay Travis?

Dahil sa sobrang kaba ay tango na lamang ang naibigay ko sa kanya. He smile and patted my head at umalis na siya. Naiwan ako sa sala na nakahawak sa dibdib ko. Anong ibig sabihin nito? Posible bang tumibok ng mabilis ang puso mo sa dalawang tao? Di'ba dapat sa isa lang? Pero bakit kay Jaden ay ganito rin ang nararamdaman ko? Nakakalito! Hindi ako naging ganito kalito noon. Simula nang tumira ako sa bahay na'to ay marami na ang nag-iiba sa pagkatao at nararamdaman ko. Masyadong komplikado.

Living with the 13 GuysHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin