Chapter 9 - Travis is Back

8.3K 330 35
                                    

Jaden's POV
Hindi ko talaga mapigilan na magselos lalo na't ang lapit na ng loob ni Trinity sa mga lalakeng kasama niya dito sa loob ng bahay. Gusto ko man aminin sa kanya na ako si Jojo na kababata niya ay hindi ko magawa dahil alam ko na kapag nalaman niya iyon ay kamumuhian niya ako at ipagtatabuyan. Nasaktan ko siya dahil hindi ko natupad ang pangako ko sa kanya na babalikan ko rin siya. Kung alam lang talaga niya ang dahilan kung bakit kailangan namin noon na tumira sa amerika. Hanggang ngayon ay mahal ko pa rin si Trinity na kahit wala akong karapatang magselos ay nagagawa ko pa rin.

"Hanggang kailan mo balak itago sa kanya na ikaw si Jojo?" Ani Sam habang nagdidribble ng bola at ishinoot sa ring. Nandito kasi kami ngayon sa basketball court sa may plaza malapit lang sa bahay.

Ipinasa naman sa akin ni Sam ang bola, nagdribble din ako at ishinoot ang bola sa ring. "Kapag handa na ako."

Napatawa itong bigla ng mahina sa sinabi ko. "Kailan pa kaya iyon? Kapag may isa na siyang nagustuhan sa atin?" Napahinto ako sa sinabi niya.

"Sa atin? May gusto ka rin ba kay Trinity? Kakalabanin mo din ba ako Sam?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Huminto siya sandali sa pagbabasketball at nagpunta sa bench matapos ay uminom ng tubig sa bottled water na kinuha niya mula sa bag nito.

"She's nice, kind and pretty at magsisinungaling ako kung sasabihin ko sayo na hindi ko siya gusto, I like her too, Jaden at habang maaga pa ay sabihin mo na sa kanya na ikaw si Jojo, otherwise may karapatan din naman ako na piliin niya."

Tila napailing ako sa sinabi niya. Siya rin pala ay may gusto kay Trinity? Tss. Ano ito? Reverse-harem? [Reverse-harem; A Japanese term to a girl that 4 or more men admires her]

"I can't believe this!" Nakangisi kong sagot na parang naiinis sa sinabi niya. Akala ko pa man din ay susuportahan niya ako kay Trinity iyon pala ay makikipagkumpitensiya din siya sa akin.

He just smiled at kinuha ang sports bag niya at isinabit sa kanyang braso ang towel na hawak niya. "Sana maintindihan mo ako Jaden. Kailangan ko din ng babaeng aalagaan at mamahalin ko. Sige, uuwi na ako." Matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na ito papalabas ng court hanggang sa makaalis na siya.

"Ang dami-dami namang babae diyan at bakit si Trinity pa ang gusto nila?" Tanong ko sa sarili.

Habang nakaupo lang ako dito sa bench sa court ay may tatlong lalake ang pumasok at isa sa kanila ay pamilyar sa akin. Hindi ba't siya 'yong kaibigan ni Trinity na mukha nang espasol dahil sa kaputian?

Nakasuot sila ng jersey at may hawak din silang mga sports bag at bottled water. Napatingin sa gawi ko ang espasol na 'to saka siya ngumiti at lumapit sa akin. Psh.

"Ikaw pala, Jaden." Sabi niya at umupo sa tabi ko.

"Ako nga," Sagot ko na lang at kinuha ang bottled water ko at ininom.

Sinenyasan niya ang dalawa niyang kasama na mamaya na lang sila maglalaro at tumango na lang sila.

"Alam mo ba na first kiss ako ni Trinity?" Sabi niya na nakangiti sa akin.

Sabi na nga ba. Isa rin siyang mapagpanggap.

Nagulat ako sa sinabi niya pero hindi na lang ako nagsalita. "Ninakawan ko kasi siya ng halik noong high school pa lang kami habang natutulog siya sa bahay namin dahil sabay lagi kaming nagrereview. Nakatulog siya kaya I grab the opportunity.."

"Ibang klase ka." He chuckled na mas lalong nagpainis sa akin.

"Maraming nagkakagusto sa kanya pero walang nagbabalak na manligaw dahil natatakot sila sa isang Jerome Cruz." Sumandal siya sa bench na inuupuan namin at pinaglaruan ang towel na hawak niya.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon