Chapter 33 - The Biggest Fight Ever

2.9K 118 3
                                    

Trinity's POV
Hindi ko alam pero parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw na 'to o baka napaparanoid lang ako? Dahil ba ito sa mga sinabi sa akin ni Mason na dapat ay mag-iingat ako sa mga kaibigan niya dahil mapanganib daw sila? Kahit kay Jaden ay kailangan ko rin daw mag-ingat. Ang weird din niya katulad ng mga kaibigan niya. Why is he saying that to me?

It's 5:00am at gising na ako. Sila Jaden yata ay tulog pa rin. Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Daniel na topless at naka jogging pants lang. Napapikit ako dahil yung katawan niya at abs. Susmaryosep! Bakit ba ang hot niya? Pero dapat ay hindi ako magpaapekto sa katawan ni Daniel.

"Good morning Trinity," Bati ni Daniel nang makita niya ako.

Napamulat ako ng mata at tinignan siya. Pansin ko na basang basa na siya ng pawis at may hawak rin itong handle-sized na barbel.

"G-Good morning rin," Iniwas ko ang tingin ko nang lumapit siya sa akin. Nadidistract ako dahil naka topless lang siya. Ginoo! That abs!

"Ang aga mo nagising ah? Wala naman kayong pasok. Tara at mag exercise ka nalang." Aya niya sa akin.

Walang anu-ano'y hinubad ko ang suot kong t-shirt at ngayon ay nakasando nalang ako. Kaya rin naman ako nagising ng maaga ay para makapag exercise ako.

Nakita ko pa na napanganga at napatitig sa akin si Daniel dahil sa ginawa ko. Kinindatan ko nalang siya at hinila papunta sa labas ng bahay saka tinungo ang workout area nila sa likod lang ng bahay.

"Trinity naman.. sa paghawak mo pa lang ng kamay ko natuturn-on na ako sayo, bitawan mo na hangga't maaari ang kamay ko kundi baka agawin na kita kay Jaden." Agad ko namang binitawan ang kamay niya at tumingin sa ibang direksyon. Nakakahiya yung ginawa ko!

I heard him laugh. "Joke lang 'yon. Takot ko nalang sa possessive at seloso mong boyfriend."

"Ewan ko sayo!" Saka ko tinungo ang threadmill.

Nakita ko naman na dumapa siya saka nag push ups. Napanganga ako dahil ang hot niyang tignan. Jusko.

"Stare or I'll kiss you?" Nakangisi niyang tanong habang patuloy pa rin sa pagpupush ups. Napahiya naman ako kaya pinagpatuloy ko nalang ang pag-eexercise ko.

Wala na kaming imikan at patuloy pa rin sa pag-eexercise nang makita namin si Kevin na mukhang kakagising lang. Nagulat pa ito nang makita niyang nag-eexercise kami ni Daniel ng magkasama.

"O-oh.. kayo pala," Sabi nito na may pagtatakang ekspresyon. Pansin ko naman na napadako ang tingin niya sa kahubdan ni Daniel.

Tumigil si Daniel sa ginagawa niya at hinarap si Kevin. "Kung anuman ang iniisip mo ay tigilan mo na 'yan. Kilala ko ang utak mo Kevin. Sabay lang kaming nag-exercise ni Trinity." Napanganga kami ni Kevin dahil sa sinabi ni Daniel.

"Wala akong iniisip na ganyan, Daniel. Huwag ka ngang nag iimbento." Tila di makapaniwalang sabi ni Kevin. Natawa naman ako don.

Daniel laughed too. "Eh yung mukha mo kasi nang makita mo kami ni Trinity na nag-eexercise, hindi maipinta." Bago pa sila magkasagutan ay sumabat na agad ako.

"Hep hep! Tama na 'yan! Hindi pa pala ako nagbebreakfast. Kumain nalang tayo." Hindi ko na sila pinansin at pumasok na sa loob ng bahay.

Ewan ko ba sa 13 Guys, magkababata at magkakaibigan sila pero parang may tensiyon sa pagitan nila. Tama nga siguro si Mason, I don't know his friends at all.

**
Kumakain kami ngayon ng lunch ng ilan sa 13 guys. Some of them ay maagang umalis para magtrabaho sa kompanya ng parents nila. Jaden was not here pero mamayang hapon ay uuwi raw siya.

Living with the 13 GuysWo Geschichten leben. Entdecke jetzt