Chapter 27 - Meet His Parents

3.1K 119 6
                                    

Sam's POV
Nandito kami ni Kyle sa Timezone and we're playing Shoot That Ball. Kahit hindi naman kami katangkaran which our height is 5'8 ay mahilig kami sa basketball. Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga babae dito, hindi naman sa pagmamayabang pero gwapo talaga kaming dalawa ni Kyle. Anyways, naisipan lang namin maglaro sa mall dahil naiirita na kami sa pagiging bitter ng ibang 13 guys. Hindi kasi nila matanggap na magsyota na sina Jaden at Trinity.

Hindi ba sila pwedeng maging masaya nalang para dun sa dalawa?

"Ang galing mo talagang magshoot ng bola, Sam," Hinihingal na sabi ni Kyle habang patuloy pa rin sa pagshoshoot ng bola. 89-125 na ang score at ako ang nangunguna.

"Galingan mo naman sa pagshoshoot, Kyle." Nakangising sabi ko.

"Psh. Ayoko na, pagod na ako." Napahinto na siya sa pagshoshoot ng bola. May nagsilapitan naman sa aming mga babae at inabutan kami ng tubig. Kinikilig pa sila habang nagpasalamat kami at bumalik na rin sa mga pwesto nila.

"Tch. Weird." Bulong ni Kyle kaya napatawa ako.

Pagkatapos naming maglaro ay pumunta kami sa Shakeys at umorder ng pizza. Napagod kasi kami sa isang oras na paglalaro kaya nagwawala na ang mga alaga namin sa tiyan. It means na gutom na gutom na kami.

Habang busy kami sa pagkain ng pizza ni Kyle ay bigla itong nagsalita. "Alam mo, parang may kakaiba kay Travis."

"Ano naman?"

Uminom muna siya ng drinks bago nagsalita. "Ang weird lang kasi biglang natanggap na niyang sina Jaden at Trinity na e, alam naman natin na gustong-gusto niya si Trinity. Nagalit pa nga siya nung ginabing umuwi yung dalawa nung nasa resthouse tayo. Parang may kakaiba talaga."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. "Baka naman natanggap na niya na si Jaden ang mahal ni Trinity." Nagkibit-balikat lang siya.

"Siguro pero mas nauna pa niyang natanggap kaysa kay Daniel? Tapos idagdag pa natin ang biglang pagsulpot ni Roxanne sa eksena. Ang first love ni Travis na patay na patay kay Jaden."

Ang talino talaga nitong si Kyle, naisip pa niya iyon? Kung sa bagay ay matalino naman siya. Nakapagtataka nga at mas lalo pang magugulo ang lahat kapag nalaman ni Trinity na si Jaden ang kababata niyang nang-iwan sa kanya. Ano ba 'tong gulong pinasok ni Jaden?

I sighed. "Tignan nalang natin kung anong mangyayari." He nodded at tinuloy na namin ang pagkain.

Bigla namang may tatlong lalake ang pumasok dito sa loob ng Shakeys. Pinagtitinginan rin sila dahil matatangkad at gwapo sila. Nakasuot sila ng varsity jacket and jeans. May mga nakasukbit rin na sports bag sa balikat nila at ang isa nilang kasamahan ay may hawak na bola. Kung maglakad sila ay para silang mga siga. Ang seseryoso ng mga mukha nila at parang naghahanap pa ng away pero nung tinignan ko yung lalakeng nasa gitna ay namumukhaan ko siya.

"Di'ba siya yung bestfriend ni Trinity na si Jerome?" Tanong sa akin ni Kyle na nakatingin rin sa kanila.

"Yeah."

Napansin naman kami ni Jerome na nakatingin sa kanila. Nagulat pa siya nang makita niya kami pero di kalaunan ay ngumiti siya at lumapit sa pwesto namin. Sinundan rin siya ng dalawa pa niyang kasama.

"Uy, kayo pala," Nakangiting sabi nito nang makalapit na sila sa pwesto namin.

"Hey," Bati ko naman. Nginitian lang sila ni Kyle ng pilit.

"Pwede bang dito nalang kami makiupo?" Tanong niya.

"Sure." Sabi ko naman at umupo na silang tatlo. Nanliliit tuloy kami ni Kyle dahil ang tatangkad nila at mukha pang mga 6' footer.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon