Chapter 10 - Jealous?

8.6K 343 79
                                    

Jerome's POV
Napatawa ako sa reaksyon ng Jaden na 'yon nung sinabi kong ako ang first kiss ni Trinity e, hindi naman totoo ang lahat ng mga pinagsasabi ko kanina. Sinusubukan ko lang kung may gusto siya kay Trinity at nakumpirma ko na oo. May gusto pa rin ako kay Trinity hanggang ngayon pero hindi naman niya ako gusto kaya nakukuntento na lang ako sa pagkakaibigan na meron kami. Kahit kaibigan lang niya ako ay poprotektahan at aalagaan ko siya. Ayoko na magkasira kami nang dahil lang sa mahal ko siya.

"Tol, sino yung lalakeng kausap mo kanina? Mukhang maangas e." Tanong ni Charles. Isa sa mga kaibigan at kateam mate ko sa basketball.

"Kaibigan ni Trinity." Sagot ko na lang. Ayoko na magkwento sa kanila na isa ang Jaden na iyon sa pagpipilian ni Trinity na magiging fiancé niya.

"Oh? Di'ba may gusto ka kay Trinity? Bakit hinahayaan mo lang na lapitan siya ng yellow head na 'yon?" Sagot naman ni Kier. Isa rin sa mga kaibigan at kateam mate ko.

Pagkatapos kong maglay-up ng bola ay umupo muna ako sa bench at sumunod naman sila sa akin at umupo sa tabi ko.

"Hindi ko naman girlfriend si Trinity para pagbawalan siya na lapitan ang lalakeng iyon." Bigla namang napailing sina Charles at Kier sa sinabi ko.

"Masyado ka talagang mabait, Jerome." Sabi ni Charles at pinaikot sa daliri niya ang hawak niyang bola. Ako daw mabait? Loko talaga. Sinungaling pa.

"Sinabi mo pa, Charles. Wala yata sa bokabularyo niya ang salitang 'mang-agaw'." Natatawa namang sabi ni Kier.

Palibhasa kasi mga chickboy 'tong kasama ko. Araw-araw papalit-palit ng girlfriend at kapag may boyfriend na yung babaeng natipuhan nila ay gagawa sila ng paraan para agawin at akitin yung mga babaeng iyon at nagtatagumpay naman ang dalawang 'to using their good looks.

"Mga bad influence talaga kayo sa akin e, no?"

"Jerome naman! Wala namang masama kung minsan ay magiging masama ka. Kulang na lang e, magkaroon ka ng halo dahil sa sobrang bait mo." Inakbayan ako ni Kier at tinapik-tapik ang balikat ko.

"Ewan ko sayo. Tigilan niyo nga akong dalawa, di ako katulad niyo!"

Sandali ay may inilabas si Kier na isang sigarilyo at binigay sa akin.

"Magyosi ka muna." Kinuha ko naman yung sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter na inabot sa akin ni Charles.

"Tinulak ka raw ni GD kaya napaupo ka sa sahig nung pinagtitripan ulit nila si Trinity?" Namamanghang tanong ni Charles. Natatawa siguro siya dahil alam niyang hindi ako lumaban.

"Oo, saka ayoko makita ni Trinity na magalit ako baka kasi matakot siya sa akin kapag nakita niya akong magalit."

"Kung ako ang nandon, malamang binugbog ko na ang GD na 'yon. Akala niya kung sino siyang hari kasama ang mga kaibigan niyang kasing bobo at kitid ng utak niya." Nanggagalaiting sabi ni Charles.

Malaki ang galit ni Charles kay GD dahil marumi itong maglaro pagdating sa basketball. Kapag naglaro kasi si GD ay namimisikal na ito kapag natatalo na namin sila ng mga kagrupo niya.

"Kalma lang, Charles," Sagot ni Kier na natatawa.

Pagkatapos naming magpractice sa court ay nagpalit na kami ng damit at napagpasyahan namin na pumunta ng mall dahil manlilibre daw 'tong si Charles. Akalain mo 'yon? Manlilibre ang kuripot? Siguro ay nasapian siya ngayon ng mabuting espirito kaya siya manlilibre.
Nang nasa loob na kami ng mall ay pinagtitinginan kami lalo na ng mga babae. Hindi naman talaga maipagkakaila na gwapo sina Charles at Kier at pati na rin ako. We're all 6' foot tall at mga varsity player ng YGA. My mother is a full blooded Korean and my father is a full blooded filipino. Namana ko ang itsura ko sa mama ko kaya siguro ay napakaputi ng balat ko at medyo singkit rin. Maraming mga nagkakagusto sa akin pero lahat ng iyon ay binabalewala ko dahil si Trinity lang ang nais kong magkagusto sa akin kahit malabo.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now