Chapter 12 - Trouble Maker GD

7K 333 40
                                    

Trinity's POV
Today is Monday, wala kaming pansinan ni Jun. Sa ginawa niya sa akin kahapon ay hindi ko pa siya mapapatawad at pinigilan ko si Jaden sa balak niyang pambubugbog kay Jun. Ayoko nang palalain pa ang sitwasyon, mabuti na lang at sinunod niya ako. Walang alam ang TREASURE guys sa nangyari sa amin kahapon kaya tinatrato pa rin nila ako ng normal na pakikitungo. Hindi rin kami nagpapansinan ni Travis pero naiirita ako sa tuwing tinititigan niya ako nginingisian. Kung pwede ko lang tusukin ang mga mata niya ay matagal ko nang ginawa para hindi na niya ako matitigan!

Nakabihis na ako't lahat-lahat papuntang university. Papalabas na ako ng gate at pasakay na rin sa kotse nang may humawak sa braso ko.

"Ako na lang ang maghahatid sayo." Jaden said.

Dug.. dug.. dug.. Yung puso ay tumitibok na naman. Ano ba 'tong nangyayari sa akin? Kapag nakikita ko siya e, nagiging abnormal na ang sistema ko.

I compose myself to smile. "A-ah e, sige.." Tatanggi pa ba ako?

He smiled at pinaalis ang driver sa driver's seat. Pinapasok na niya ako sa kotse at napaupo ako sa katabi ng driver's seat na inuupuan niya. Nasa loob na kami ng kotse and he start the engine hanggang sa nakaalis na rin kami ng bahay.

While he's driving, hindi ko mapigilan na titigan ang mukha niya. His yellow hair na bagsak ay bumagay sa kanya, his pointed nose, long eyelashes, chinky eyes and perfect face shape. All in one perfect. May mga ganito pa palang kagwapong nilalang na nag-eexists sa mundo?

Natigil ang pagtitig ko sa kanya nang may biglang tumatawag sa phone ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa handbag na hawak ko at tinignan ang I.D caller.

It's Leo.

"Hello, Leo?" Nakita ng peripheral vision ko na napatingin sa akin si Jaden pero hindi ko na lang iyon pinansin.

(Pinapasabi pala ni Jerome na hindi siya makakapasok. Sina Chae at Bonnie naman ay bukas pa ang klase dahil sa monthly assesment nila at si Micca ay sinundo ang tita niya sa airport kaya pinakiusapan nila ako na samahan ka sa school and it's fine with me)

May kanya-kanya pala silang mga excuses kaya hindi sila nakapasok kaya kami na lang ni Leo ang naiwan.

"Nakakaistorbo na siguro ako sayo Leo, kaya ko naman na mag-isa e."

(No. Okay nga lang. I'll wait for you here in the waiting shed, okay? Bye!)

Magsasalita pa sana ako nang binaba niya na ang tawag. Ano pa bang magagawa ko?

"Sino 'yon?" Napatalon ako sa gulat nang biglang magsalita si Jaden habang nagmamaneho pa rin.

"S-si Leo, yung kaibigan namin nila Jerome."

"Anong kailangan niya sayo? Hindi ba't may girlfriend na siya?"

Napangiwi ako sa ani nito. "Teka? Magkaibigan lang kami, okay? Wala kasi akong makakasama dahil busy ang mga kaibigan namin kaya pinakiusapan na lang nila si Leo na samahan ako." Kung makareact naman 'tong si Jaden parang girlfriend niya ako.

"Paano kung may gawin din siyang masama sayo? Katulad ni Jun kaya huwag ka masyadong magtiwala sa mga lalake. Masyado ka kasing mabait kaya namimisinterpret nila ang ginagawa mo."

"So, hindi rin pala dapat kita pagkatiwalaan kasi lalake ka?" At tinaasan ko siya ng kilay.

"No. Except ako." Tignan mo nga naman! Masyado siyang confident sa sarili niya at exemption pa siya.

Napacross-arms na lang ako at tumahimik. Ito na naman yung weird na pakiramdam ko na parang matagal ko na siyang kilala. Hays!
Nakarating na rin kami sa YGA. Bumaba na ako ng kotse at bumaba na rin siya. Nagsitinginan namang ang mga babaeng estudyante pagkakita nila kay Jaden.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now