Chapter 40 - Wedding with him?

2.9K 115 6
                                    

Leo's POV

Napagpasyahan nila Chae, Bonnie at Micca na puntahan 'yung bahay na dating tinitirhan ni Trinity kasama ang 13 Guys. Gusto nilang makausap si Jaden dahil sa nalaman namin na siya pala ang tinutukoy ni Trinity na kababata nito na iniwan siya at hindi na muling binalikan pa. Halos marindi na ako sa boses ng mga babaeng kasama ko dito sa loob ng kotse ko.

Bakit kasi kasma pa nila ako at wala si Jerome? Kailangan ba talaga nilang mag-usap na sobrang lakas ng boses?

"Pwede bang hinaan niyo naman ang volume ng mga boses niyo? Mabibingi na ako dito e!" Reklamo ko habang nagmamaneho.

Sinamaan naman ako ng tingin ni Chae na nasa tabi ko lang. "Manahimik ka, Leozon kung ayaw mong sapakin kita." Dahil under na under niya ako ay nanahimik na lang ako.

Pagkarating namin sa bahay ng 13 Guys ay kaagad kaming pumasok sa bahay nila. Para yata kaming sasabak sa giyera dahil sa mga babaeng kasama ko. Dinahilan pa nina Bonnie at Micca na gusto nilang makausap si Jaden eh mukhang gusto lang naman nilang makita 'yung mga crush nila sa 13 Guys. Mga babae nga naman! Pagkapasok namin ay kaagad silang bumungad sa amin at halatang-halata sa mga mukha nila ang pagkagulat nang makita nila kami.

"Bakit kayo nandito?" Tanong sa amin nung lalaking maputi at mukhang babae. Arthur yata ang pangalan nito.

"We want to talk to Jaden." Mataray naman na sagot ni Bonnie.

Tumikhim naman 'yung lalaking si Mason yata ang pangalan nito at lumapit siya sa amin. "Wala siya dito e, would you mind if anong sadya niyo dito?" Malumanay niyang pagkakasabi.

He's very strange.

"Nabalitaan niyo naman siguro ang panlolokong ginawa ng kaibigan niyo sa kaibigan namin kaya gusto namin siyang makausap." Sagot naman ni Chae at tinaasan ito ng kilay.

"We don't know where he is. Kaninang umaga pa siya wala dito sa bahay." Sabi naman ni Mason.

"Weh? Baka naman tinatago niyo lang siya para mapagtakpan niyo?" Sabi ni Micca.

Bigla namang lumapit sa kanya 'yung John na ikinapula bigla ng buong mukha niya.

"Wala nga kasi si Jaden dito!" Naiiritang sagot ni John at tumingin sa ibang direksyon.

Did I saw this guy blushed? Apektado ba siya kay Micca? Something's fishy.

"Kung ganon, nasaan na siya?" Tanong ni Bonnie at tumingin sa direksyon nung David na nakaupo lang sa sofa at pinapanood kami.

"Hindi namin alam." Sagot naman nung David.

Ako naman ang nagsalita. "We want an explanation from Jaden kung bakit niya nagawa 'yun kay Trinity. Alam niyo na ba kung bakit?" Natigil naman silang lahat dahil sa tanong ko. Napansin ko rin na hindi sila kumpletong magkakaibigan.

Pinaupo muna kami nung Daniel bago siya nagsalita. "Actually, alam na namin kung bakit. Sinabi na sa amin ni Jaden ang dahilan." Sabi niya.

At sinabi na nga niya sa amin ang dahilan every detail at hanggang sa matapos si Daniel magsalita ay lahat kami eh napabuntong-hininga na lang.

"All this time. si Trinity pa rin pala ang iniisip niya." Sabi ni Chae.

"Naguguilty pa tuloy ako kung bakit nagalit ako kay Jaden." Bonnie.

"Dapat malaman 'to ni Trinity para magkaayos na sila ni Jaden." Micca.

Bigla namang napatawa si Mason. "Hindi niyo pa ba alam na ikakasal na si Trinity kay Travis?" Nanlaki naman ang mga mata namin sa sinabi niya at nagulat rin.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now