Chapter 16 - Confused

5.4K 239 75
                                    

Trinity's POV
Pagkatapos ng mga nangyari ngayong araw na ito ay umuwi na kami ni Daniel. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na date ang ginawa namin. Hanggang sa pag-uwi namin ay hindi matanggal-tanggal ang ngiti sa kanyang mukha. Tama ba talaga ang desisyon kong bigyan siya ng chance? Kahit sa tingin ko ay wala naman siyang pag-asa sa akin? Oo! Tama lang ang naging desisyon mo Trinity, mabait si Daniel at maaalalahanin kaya hindi imposible na magkagusto ka sa kanya.

"Salamat talaga at binigyan mo ako ng chance, Trinity." Sambit niya sa gitna ng paglalakad namin papasok ng bahay.

Ngumiti na lang ako ng pilit, nagdadalawang-isip kasi ako sa desisyon na ginawa ko pero alam ko naman na there's no turning back na dito. Nasabi ko na sa kanya at ayon na. Bakit kasi kay 'You know' ko pa ineexpect na siya ang unang manliligaw sa akin? Nababaliw na talaga ako!

Nang nasa loob na kami ay nakita namin ang TREASURE guys na nasa living room at halata na kanina pa kami hinihintay. Mga nakakunot-noo ang iba sa kanila, may nakaawang ang bibig habang nakatingin sa amin at ang iba naman ay tahimik lang katulad nina Jaden at Travis.

"Nandito na pala yung dalawang nagdate e," Sarkastikong pagkakasabi ni Jun habang nakangising nakatingin sa amin.

Naiinis na talaga ako sa pagmumukha niya lalo na nung sinabi niya kila Daniel na may relasyon daw kami kahit wala naman. Siya na nga 'tong muntik akong gahasain pero siya pa itong malakas ang loob na magsalita ng wala namang katotohanan.

Bigla namang tumawa si Kevin.

"Rule no. 9" Rule no. 9? Ano naman kaya iyon?

Tinignan ko si Daniel at nakangiti lang ito. Nakakangiti pa siya kahit mukhang may tensiyon na nagaganap?

"Nagdate nga ba talaga kayo?" Seryosong tanong ni David.

"No. We're not dating, niyaya ko lang si Trinity na lumabas para hindi naman siya mabore dito sa bahay." Kinindatan ako ng palihim ni Daniel na ikinahinga ko naman ng maluwag.

Mabuti nalang at hindi niya muna sinabi na nililigawan niya ako dahil alam kong mabibigla sila kapag nalaman nila 'yon.

Umaliwalas ang mga mukha nila pagkasabi ni Daniel nun.

"Hayy.. akala namin ay nagdate na talaga kayo." Nakangiting sagot ni Arthur. Kung alam mo lang Arthur.

"Wala naman palang problema, kain na tayo." Sabi naman ni Mason nang hindi nakatingin sa amin ni Daniel at nagtungo na ito sa dining room.

Anong nangyari dun?

Sumunod na rin ang iba kay Mason hanggang kami nalang nila Kevin at Daniel ang naiwan sa sala.

Nakatitig lang sa amin si Kevin at para kaming sinusuri nito.

"Pwede ba tayong mag-usap, Trinity?" Sabi nito na seryosong nakatingin sa akin.

Tumango naman ako. "Sige."

"Sige, aakyat na ako sa kwarto." Paalam ni Daniel.

Tumango nalang ako hanggang sa kaming dalawa nalang ni Kevin ang naiwan. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa aming dalawa hanggang sa wakas ay nagsalita na rin ito.

"Malapit ka na talaga sa kanila. Tayo ang unang naging magkaibigan pero tayo pa 'tong hindi na madalas magkasama."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Nakangiti siya habang sinasabi niya 'yon pero halatang may tono ng pagtatampo, bigla ay nalungkot ako.

"Kevin, pasensiya ka na talaga kung bihira nalang kita makausap, siguro dahil-" He cut me off.

"Alam ko, nililigawan ka talaga ni Daniel, di'ba?"

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now