Chapter 11 - The Guys POVS

7.7K 346 77
                                    

Mason's POV
Hinahanap ko ang gitara ko at naalala ko na naiwan ko pala 'yon kanina sa terrace nung tumutugtog ako kaya dali-dali akong umakyat papunta don. Papasok na sana ako sa loob nang makita ko si Jun na hinila si Trinity palapit sa kanya at saka niya ito hinalikan. Nagulat ako sa nakita ko kaya bumaba nalang ako sa terrace ng tahimik.

Nagpunta ako sa kwarto namin at naabutan ko sina Arthur at Kevin na naglalaro ng chess sa kama ni Arthur. Napaupo ako sa kama ko ng tahimik at iniisip ang nangyari kanina. Bakit hinalikan ni Jun si Trinity? May gusto na ba siya kay Trinity?

"Mason, okay ka lang ba?" Puna sa akin ni Arthur.

I nodded. "Oo, okay lang ako." Sinuri niya muna ako akong mabuti bago siya nagpatuloy sa pagchechess nila ni Kevin na nagdududa ring nakatingin sa akin.

Kailangan kong makausap si Jun tungkol dito. Gusto kong makumpirma kung bakit niya hinalikan si Trinity. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kwarto nila Daniel. Mabuti na lang at siya lang ang mag-isa dito sa kwarto nila. Naabutan ko siyang natutulog, naka boxers lang siya at walang pang-itaas. Tsk! Paano na lang kaya kapag pumasok si Trinity dito at naabutan niya na ganito ang itsura ni Daniel? Ano na lang kaya ang iisipin non?

Tinapik-tapik ko ang balikat ni Daniel para magising siya. "Daniel, gising at may sasabihin ako.."

"Hmm.." Sandali rin ay nagising siya at bumangon saka umupo sa kama niya. Tumabi naman ako.

"Ano ba 'yon?" Sabi niya habang kinukusot ang mata niya.

"Nakita ko na hinalikan ni Jun si Trinity sa may terrace kanina." Nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko.

"Talaga? Pero bakit sila magkasama sa terrace?"

"Hindi ko alam pero base sa nakita ko sa mukha ni Trinity kanina nang hinalikan siya ni Jun ay nagulat rin siya sa ginawa sa kanya."

"I kissed her, too." Ako naman ang nanlaki ang mata sa sinabi niya.

"Bakit?" Napataas na ako ng boses.

Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. "Nung time na depressed ako sa break-up namin ni Naomi ay pumunta ako sa kwarto niya at hinalikan siya. Hindi ko na alam ang ginagawa ko noon kaya ko siya nahalikan." Napabuntong-hininga ako sa inis dahil sa sinabi niya.

"Ano na lang ang iisipin sa atin ni Trinity? Na mga manyak tayo?" Napasabunot na ako sa buhok ko dahil sa sobrang pagkainis sa kanila.

Bakit kailangan pa nilang halikan si Trinity?

"N-nagsorry na ako sa kanya at okay na kami. Pinaliwanag ko na rin sa kanya ang dahilan kung bakit ko siya hinalikan." Napailing na lang ako.

"Daniel, babae si Trinity at respetuhin niyo naman siya!" This time ay napatayo naman siya at tinitigan ako ng masama.

He smirk. "You like her, right? Kaya ganyan ka magreact?" Napatayo rin ako at hinarap siya.

"Yes. Gusto ko siya at nakakainis lang dahil hinahalikan niyo na siya na wala naman kayong karapatan. Kahit depress ka pa sa break-up niyo ng girlfriend mo e, sana naman ay hindi mo hinalikan si Trinity." Pumalakpak ito sa sinabi ko.

"Imagine? Nagkakagulo na tayo dahil sa iisang babae? But you can't stop me from liking her, Mason. Nasa kanya na ang lahat. She's nice, pretty, kind and caring kaya may the best man win na lang." He offer his hand for a shakehands.

After 5 seconds ay tinanggap ko naman ito. "Okay."

Jun's POV

I kissed her. Nagulat siya sa ginawa ko.

"B-bakit mo ako hinalikan?" I kiss her again at itinulak niya ako saka sinampal. Napahawak ako sa pisngi kong sinampal niya.

"Why did you do that?!" She almost yelled at kitang-kita ko na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.

Living with the 13 GuysWhere stories live. Discover now