Chapter 22 - My Treasure

4K 182 8
                                    

Jaden's POV
Naisipan kong sunduin si Trinity sa school nila dahil natutuwa ako at mas lalo kaming naging close nang makapag-usap kami ng matagal sa beach resthouse nila Harris sa Tagaytay. Iyon ang unang beses na nagkalapit kami ng ganon katagal at nalaman ang mga hinanakit niya sa akin. Hindi ko na siya sasaktan pa.
Gamit ang kotse ko ay nagdrive ako papuntang university nila Trinity. Nang makarating na ako ay pinark ko ang kotse ko at naglakad papasok sa loob ng YGA. Habang nilalakad ko ang building nila Trinity ay rinig na rinig ko ang dalawang estudyanteng babae na nag-uusap malapit sa kinaroroonan ko.

"Nakita ko kanina na magkasama sina Trinity at GD, pumasok pa nga sila sa kotse ni GD e,"

"Talaga? Sila na ba? Bakit sila magkasama? Sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw ni Trinity kay GD."

"Hmm.. ewan, baka bumigay na siya dahil gwapo at anak ng isang mayor ba naman ang humahabol-habol sa kanya."

Bigla ay kinabahan ako para kay Trinity. Sa pagkakaalam ko ay pinsan 'yon ni Kyle at anak ni Mayor Buenavista. Base sa mga kwento sa akin ni Kyle ay barumbado daw iyon at basagulero pa pero bakit magkasama silang dalawa ni Trinity? Hindi maganda ang kutob ko kaya agad kong tinawagan si Kyle.

"Hello, Kyle?"

(Oh, Jaden bakit napatawag ka at wala ka dito sa bahay?) Tanong nito sa kabilang linya.

"Susunduin ko sana si Trinity nang may narinig akong nag-uusap sa loob ng YGA na kasama raw ni Trinity si GD papasok ng kotse. Hindi ba't base sa mga kwento mo ay walang ginagawang mabuti ang pinsan mo na 'yon? Baka kung may anong gawin siya kay Trinity." Hindi matanggal ang kaba sa dibdib ko, pakiramdam ko ay magwawala na ako sa sobrang kabang nararamdaman ko.

(Really? Pero bakit sila magkasama?)

"I don't know. Puntahan mo ako dito sa YGA at ituro mo sa akin ang bahay ng GD na iyon. Alam ko na may gagawin siyang masama kay Trinity." At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.

(He's now living in his condo but I know the exact location, I'll go there just wait for me) Pagkatapos ay pinatay ko na ang linya.

Sigurado akong may dahilan si Trinity kung bakit siya sumama sa lalakeng 'yon. I don't know who's that GD personally pero nasesense ko na nasa panganib ngayon si Trinity. Dumating na rin si Kyle at agad kaming sumakay sa kotse kong dala. Itinuro niya sa akin ang daan papunta sa condo ng GD na iyon and i'm sure na dun niya dinala si Trinity.

Habang nagdadrive ako ay mariin akong tinitignan ni Kyle na katabi ko lang sa drivers seat. Hindi ko nalang pinapansin ang mga tingin niya dahil sa kaba at takot na nasa loob ko, sobra akong nag-aalala ngayon sa kalagayan ni Trinity at baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

"You love her, do you?" Napatigil ako dahil sa tanong nito pero bakit pa ba ako magsisinungaling dito kung totoo naman.

"Yes." Then he nodded.

"But be careful Jaden, someone might get her," Tila naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"What do you mean?" Napailing naman siya.

"Nothing. Dalian munang magdrive at baka may kung ano nang nangyari sa mahal mo." Sabi nito na may halong panunukso, tila nag-init naman ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya.

"You're blushing dude." I ignore him at dali-dali nang nagdrive. Halos paliparin ko na yung kotse sa sobrang bilis ng pagmamaneho ko.

Makalipas ng ilang minuto ay narating na namin ang condo ni GD. Pagkababa namin ng kotse ay agad kaming pumasok sa loob ng condo nito. Mabuti nalang at alam ni Kyle ang passcode ng condo dahil nakapunta na raw siya dito at sinabi sa kanya ni GD ang passcode. Nilibot namin lahat ng kwarto sa napakalaki nitong condo, may mga naiwan pang mga bote ng alak, kahon ng pizza at kung anu-ano pa ang nakakalat sa napasukan naming entertainment room. Halatang nag-inuman sila dito.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon