Chapter 17 - Start

4.9K 216 9
                                    

Trinity's POV
Pagkatapos ng klase namin ay nagyaya sila Bonnie na dumalaw ulit sa TREASURE House. Wala naman akong nagawa dahil pinipilit nila ako. Alam ko naman na gusto lang niyang makita ulit si David at si Micca naman ay gustong makita si John.

"Kayong dalawa, gusto niyo lang makita sina David at John e," Pang-aasar ni Chae.

"O-oy! Hindi ah? Gusto lang namin malaman kung okay lang ba ang lagay ni Trinity don!" Pagpapalusot ni Bonnie.

"Oo nga, kayo talaga mapanghinala!" Defensive na sagot ni Micca.

Natawa nalang kami nila Chae, Leo at Jerome. Halata naman sa kanilang dalawa na iyon ang pakay nila.

Pumasok na kami sa loob ng bahay at dumiretso sa sala. Nilapag nila Chae at Bonnie ang mga hawak nilang plastic na may lamang mga junk foods at softdrinks sa lamesa.

"Swerte mo talaga friend! Nililigawan ka na pala ng gwapong si Daniel!" Kinikilig na sabi ni Bonnie.

Naikwento ko na pala sa kanila ang tungkol sa panliligaw sa akin ni Daniel. Kilig na kilig ang mga babae kong kaibigan nang sabihin ko 'yon samantalang sina Jerome at Leo naman ay natahimik lang. Alam ko naman kasi na ayaw nila kina Daniel lalo pa nung nag-away sina Charles at Jun pero wala naman akong magagawa don.

"Quiet ka nga lang Bonnie," Nahihiya kong sabi.

Nakita naman kami ni Arthur at nginitian kami.

"Kayo pala," Sabi nito at nilapitan kami.

"Sorry kung feel at home kami ha? Gusto lang kasi naming tignan kung mabuti lang ba ang lagay ni Trinity dito." - Micca

Ngumiti si Arthur na ikinapula ng mukha ng tatlong babae. "Okay lang 'yon, feel at home lang."

Pati pala kay Arthur ay attracted din sila. Hindi naman kasi maipagkakaila na gwapo nga ito pero nakakaconcious lang dahil mas mukha pa siyang babae kaysa sa amin. Napailing nalang kami nila Leo at Jerome dahil sa reaksyon nila. Ilang minuto din ay nakita kami nila Travis at Kyle saka nilapitan.

"Sis, sino siya? Ang gwapo grabe!" Pabulong na tanong sa akin ni Bonnie pagkakita niya kay Travis na tahimik lang na nakatingin sa amin.

"Si Travis. Isa rin siya sa 13 guys, hindi niyo siya nameet noon kasi nagpunta siya nang Japan that time." Paliwanag ko. Tumango naman si Bonnie.

"Guys, siya nga pala si Travis." Pakilala ko sa mga kaibigan ko kay Travis.

Nginitian sila ni Travis at ngumiti naman ang tatlong babae sa kanya samantalang sina Leo at Jerome ay nag-uusap na may sariling mundo.

Aalis na sana sila Travis, Arthur at Kyle nang pigilan sila ni Bonnie.

"Huwag na muna kayong umalis, samahan niyo kami."

"Hindi ba nakakahiya?" Napakamot pa ng ulo si Travis. Ang cute!

"Nope. Samahan niyo muna kami at kayong tatlo, umupo na kayo." Umupo naman sina Arthur at Kyle sa isang bakanteng upuan at si Travis naman ay umupo sa tabi ko na ikinagulat nilang lahat.

"What's wrong?" Tanong ni Travis.

Umiling naman silang lahat. Ako lang ba ang nakakapansin na sobrang sama ng titig ni Leo kay Travis o namamalik-mata lang ako?

Nag-umpisa nang intrigahin ng tatlong girls sina Arthur at Kyle habang kumakain kami samantalang kaming dalawa naman ni Travis ay nag-uusap din about sa personal stuffs. Sina Leo at Jerome naman ay nag-uusap din.

"Akala ko talaga ay 18 ka lang Travis, I can't believe nasa 20's ka na pala!" Hindi makapaniwala kong sabi. Akala ko kasi ay kaedad ko lang siya. He looks young in his real age.

Living with the 13 GuysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon