Chapter 19 - Preparation

90 2 0
                                    

"Kuya James

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kuya James." napalingon naman siya sa akin habang inaayos ko kung mga pinagkainan namin, katulong ko si kuya Noah at si Zach sa pag-liligpit. 

"About earlier, about sa pag lipat mo sa amin sa mga branch. Pwede bang alisin na lang ako sa listahan ng mga ililipat at antayin na lang mag-reopen yung main branch?" napansin ko ang pagtigil sa pag kilos ni Zach at ni kuya Noah. 

 I've decided while the restaurant is still on renovation, mag fofocus muna ako sa modelling. Hindi naman kami araw araw may schedule ng photoshoot, kapag may free time tatambay ako sa opisina ni kuya Noah or ni Zach. At kapag busy naman sila, its either dadaan ako sa store ng LDB or kila Monique ang punta ko. Pero kapag natapos na ang renovation ng restaurant, I'll file a resignation letter sa LDB Clothes para sa pagluluto na ang buong focus ko. 

Pinag-isipan ko pa 'to nung nakakaraan pa at nung nagpaplano na nga si kuya na ipa-renovate yung main, nagdecide na ako. Pakiramdam ko kapag nagstay pa ako sa pagmomodelling hindi na kakayanin, dahil maghahanap na naman mga staff ng LDB ng panibagong oras para sakin na tugma sa schedule nila kasi for sure magbabago na naman shift ko after re-opening ng restaurant. 

 Nahihiya na rin ako kila kuya Noah since lagi na akong pinagbibigyan, dahil hindi sa lahat ng oras free yung mga staff namin sa modelling, kasi may mga sideline din sila sa pagkaka-alam ko. Eh sila kuya Noah, anytime pwede dahil siya naman ang may hawak non, kahit si Thomas. At isa pa sa pinoproblema ko masyadong malayo yung studio sa dalawang branch ng restaurant! "Why? Ayaw mo ba?" umiling ako. "No, hindi naman sa ganon-" 

 "Sabagay, kung magmomodel ka at the same time magtatrabaho sa restaurant sobrang hassle non. Biruin mo all the way from Muntinlupa, makikipagbakbakan ka sa traffic bago ka makarating ng Pasay or ng Makati. Lalo na kung rush hour." singit ni kuya Mark na nakikinig sa pag-uusap namin. 

Napansin ko pandidilim ng mata ni kuya James. "Pero bago matapos yung renovation magbibigay na ako ng resignation letter sa LDB Clothes." Ayoko talaga magalit si kuya James, nakakatakot! 

 "Bakit naman?" tanong ni kuya Noah. Ang hirap naman nito, yung mga mapanuring tingin nila ang nagpapahirap sa akin magsalita eh! 

 "Well..." nagkibit-balikat na lang ako. Ayoko na mag-explain. Hahaba pa lalo 'to eh. Naiilang na nga ako sa tingin ni kuya James mula pa kanina. Napansin ko ang pagbuntong-hininga ni kuya Noah. 

"Okay, if that's what you want, I won't force you to stay. Hindi ka naman nagdedesisyon ng basta-basta kung hindi mo naman pinag-iisipan eh." ngumiti ako at tumango. 

 "Thank you." "That's a wise decision of your's Diann, at least hindi na mahahati ang oras mo sa trabaho." 

 "Yes, kuya Luke." Nang matapos ang usapin, nagpatuloy na ako sa pagliligpit nang biglang may tumunog na phone. 

 "Hala, yung kambal tumatawag!" masayang anunsiyo ni Kiel habang hawak-hawak niya ang phone niya. Pumunta siya sa harap ko at napansin ko ang pagtipon nung iba sa likod ni Kiel. Tinaas ni Kiel yung phone niya at sinagot ang tawag. 

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now