Chapter 43 - Passed

54 0 0
                                    

"Welcome home, my dear sister!" sigaw ni Kiel habang hawak-hawak niya yung champagne. 

"And congratulations wala nang kasal na magaganap!" tuloy ni kuya Matt, tumawa na lang ako habang nakaupo ako sa gilid ng kama ni Papa dito sa ospital. Tumingin naman ako kay Papa na marahang pinisil yung kamay ko.

Oo, tama kayo nang nabasa nandito kami sa ospital nagcecelebrate. Katulad lang ng ginawa ni kuya Matt at kuya Ethan noong si Kevin at Kean ang naospital, ginoyo yung mga nurse dito para makalusot lang yung alak.

Pinagalitan na nga sila ni kuya Luke pero hindi nagpatinag, kesa naman daw sa bahay magcelebrate o sa Heaven's eh hindi pa rin pinapayagang i-discharge si Papa kaya dito na lang nila dinala yung celebration.

Hindi pa masyadong maayos ang tatay namin dahil sa stroke. Pero sabi ng doktor sa amin ay nagrerespond naman raw yung katawan niya sa mga tinuturok na gamot sa kaniya. We just need some time. 

"Pa, for the mean time gamot muna ang inumin niyo. Just imagine na alak yan effective yon." at binatukan na nga ni kuya Isaac si Kiel sa mga pinagsasabi nito. 

Ngumisi lang si Papa sa ginawa nung dalawa. 

"Liligalig ng mga kapatid mo." bulong ni Papa, natawa na lang ako. 

"Kanino pa ba magmamana yan?" ngumisi ulit siya at pinagmasdan ulit mga kapatid ko. 

Hinanap ng paningin ko si kuya Noah na ngayong kausap si tita Mommy at kuya Luke, 'di kalayuan sa may pintuan. Nakaharap siya sa gawi ko kaya nakikita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakikinig sa sinasabi ni Mommy. May hawak siyang wine glass at nakasalin don yung champagne na nilabas ni Kiel kanina. 

Pero natigilan ako nang bigla siyang tumingin sa akin kaya agad akong napaiwas ng tingin. Pero mas lalo akong kinabahan nung nakita ko sa gilid ng mga mata ko yung pag galaw niya sa pwesto niya at nagsimula nang maglakad.

Napalunok ako nang maamoy ko na yung natural scent niya.

"Need something?" he asked when he reached my location. Hindi agad ako nakasagot pero si Papa na ang gumawa non sa akin.

"Noah, iuwi mo na si Diann, kanina pang umaga yan nandito." Napatingin ako ngayon kay Papa at tinanguan lang ako. 

"Ano? Let's go?" at tumingin ako ngayon kay kuya Noah, napatango na lang ako dahil wala rin naman akong magagawa, pinapauwi na ko. 

Tumayo na ako kaya yung iba kong kapatid ay napatingin sa gawi ko.

"Uwi ka na ate?" tanong ni Andre, ngumiti ako at tumango.

"Ikaw nga celebrant ikaw pa tong unang uuwi," pangongonsensiya ni Kiel.

"Kiel," baritonong boses ni papa, ngumuso na lang ito kaya natawa ako. 

"Si Diann ang celebrant pero mukhang ikaw 'tong pinaka nag-eenjoy." Hirit ni kuya Luke kaya nagtawanan kaming lahat. Sabay tingin sa akin ni kuya at tinanguan na lang ako, nang matapos ay lumipat ang tingin niya kay kuya Noah. Hindi rin nagtagal yun at kinausap na ulit si mommy.

"Diann, tinatanong kami ni Tom kung pwede ka raw ba magstay sa bahay niya kahit saglit." bungad ni kuya Noah nang paandarin na niya ang sasakyan niya. Nakafocus ako nung una sa amoy ng sasakyan niya pero naagaw ng atensiyon ko yung mga sinabi niya.

"'Yun ba ang pinag-uusapan niyo nila kuya Luke kanina?" hindi na niya ako binigyan ng tingin pero tumango siya.

"Hmm, actually inaasahan na namin yun lahat, since siya naman talaga biological brother mo. Kahit ayaw nung iba they don't have a choice lalo na't ilang taong pinagkait ng tadhana na pagsamahin kayong dalawa."

My 15 Brothers And IKde žijí příběhy. Začni objevovat