Chapter 31 - Agosto

85 1 1
                                    


"Ampon lang si Diann, so why bother to protect her? Hindi naman natin siya kapatid o kamag-anak man lang!"

"James!" 

"Why Noah? Ayaw mong malaman nilang lahat? Eh hindi ba ganon na ginagawa mo few months ago? You signed a contract about the partnership regarding your clothing line with her 'biological' brother, right?" 

These scenes keep flashing in my head since my confrontation with kuya Noah. Okay na ako eh, I'm already moving on from the pain they've caused me. Bakit na naman nila ako ginugulo? 

Hindi pa ba sapat yung sakit na binigay nila sa akin? Masyado na nilang dinurog pagkatao. Ano pa ba kailangan nila sa akin?

"Audrey!" nagulat ako sa tawag ni Theron sa akin saka ko lang nakita yung niluluto kong sauce para sa pasta ay  nasusunog na, kaya pinatay ko agad yung kalan. 

Habang inaayos ko yung kinalat ko, naramdaman kong may lumapit sa akin kaya napaangat ako ng ulo at nakita si Theron na nakapameywang.

"What is happening to you? Since that guy came here, you're keeping yourself out of focus. Is that your ex?"

"N-no, Theron." 

"Then who is he in your life, then?" hindi na ako nakasagot at tumungo na lang. 

"I'm sorry," pagkasabi ko 'non ay narinig ko yung buntong-hininga niya.

"I think you need to take a break." napa-angat ako bigla nang tingin sa kaniya and all I can see is his seriousness. 

"N-no. I'm sorry, Theron. That won't happen again." Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Wala akong kilala dito, tanging sarili ko lang pwede kong pagkatiwalaan dito.

"What I mean is take a leave. Then if you are ready to work again, then I will accept you whole-heartedly. You're one of us now, and I know you had your reasons, and I won't ask you about that. All you is need to take a break, Audrey." may tumakas bigla na luha sa mata ko, marahan akong tumango. 

Siguro nga tama si Theron. Nang dahil sa problema ko pati trabaho ko naaapektuhan na. 

"Let me take her home, Theron." napatingin kami ni Theron kay August nang bigla itong magsalita.

Tumango naman si Theron at tumingin sa akin si August at tinanguan. Tinalikuran ko na sila at pumunta sa locker at kinuha yung bag ko. Hinubad ko na rin yung apron ko at pinasok yun sa locker. Pagkasara ko non ay nakita ko siyang nakasandal sa mga locker, at tinitigan ako sa mata. 

Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit. Sa bawat minutong pagtitig ko sa kaniya hindi ko akalaing may itsura rin pala siya. Sleepy eyes, pointed nose and thick lips. Minsan napapansin ko  kapag nakikipag-usap siya sa mga kasamahan namin, halos hindi mo na makita mata niya kapag nakangiti siya. 

Then I turn my eyes to his broad shoulders. Naalala ko nangyari kahapon sa ulan, nung niyakap niya ako...


Bigla akong napailing sa mga naiisip ko. 

Ano ba, Audrey? Get a grip, will you?

"Okay ka lang?" napatingin ako sa mga mata niya pero agad kong iniwas 'yon.

"O-oo." 

"Ano, tara?" bumuntong-hininga ako habang inaayos yung strap ng bag ko sa balikat saka tumingin sa kaniya.

"August, you don't need to take me home. Sobra na kitang inabala. I can manage." umiling siya at kinuha yung bag ko. Napasinghap ako ng bigla niya akong hawakan sa kamay ko.

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon