Chapter 35 - Siblings' Quarrel

95 1 0
                                    

I was half asleep when I felt someone's hand caressing my face. 

"You look really tired, Audrey. Pahinga ka lang," ngumiti ako nang marinig ko boses niya, tumango-tango ako. Then a soft lips landed on my forehead. 

"I'll leave you here, papasok lang ako." I bid goodbye without opening my eyes as I continue to sleep again.

I opened my eyes as I saw the curtain covering me from the sunlight. Napatingin naman ako sa katabi ko nang maramdaman ko itong umuga, I automatically smile when I saw his tail wagging.

"Good Morning, baby." Then he barked as his response to me. Pero hindi rin siya nagtagal sa kama at bigla itong lumabas ng kwarto. 

Saka lang ako nakaramdam ng gutom nang maamoy ko yung pagkain sa kusina ko, at may narinig akong kaluskos ng kawali mula ron. Naalala ko bigla si August, akala ko ba papasok siya? Kinuna ko yung phone ko sa night table, atsaka ko tinignan yung orasan. 

Its 10:15 in the morning. Bakit nandito pa siya? Dapat nasa trabaho na siya sa mga oras na 'to. 

Kinusot ko mata ko para alisin yung mga muta. Then I prepared for my morning routine. Nang matapos ay lumabas na ako to check August pero iba ang bumungad sa akin. 

His fair bare back is facing me. But my pink apron is hugging him tight. Nagulat ako nang bigla itong sumigaw, napatingin ako sa kamay niya at hinipan-hipan ang parte ng kaniyang palapulsuhan. Napangiti ako, bakit naman kasi pinipilit magluto hindi naman kaya. 

Naramdaman niya ata ang presensiya ko kaya humarap ito sa akin kaya inayos ko postura ko, humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay.

"How did you manage to enter my apartment? And what are you doing here?" Hindi niya ako pinansin at inahon niya yung mga niluluto niyang hotdog sa mantika. Nilagay ito sa platong may tissue saka pinatay yung kalan. Nang matapos sa ginagawa ay humarap na siya sa akin.

"Why? Am I not allowed to enter my sister's home?" 

"Yes, because first of all, Noah, you are entering my apartment without my permission, and I could sue you for trespassing if I want to. Second, we are not blood-related, so don't use that term on me." Paghahamon ko. 

Hinubad niya yung apron at pinatong iyon sa counter top. Ngayon ay naglakad siya papunta sa akin, nang sapat na ang layo sa pagitan naming dalawa ay nakapamewang na siya. 

"Talagang pinaninindigan mo nang tawagin na ako sa pangalan ko ngayon ha?" biglang nandilim mga mata nito. Bigla ako nakaramdam ng hilab sa tiyan ko dahil sa tingin na binibigay niya sa akin ngayon.

Pinandilitan ko siya ng mata para malaman niya ang sagot ko. Bumuntong-hininga siya at tumungo na lang. Pero hindi nagtagal ay tumingin ulit siya sa akin. 

"Can we stop arguing, please? And let's just eat." He said. Umirap ako at kinalas na ang mga braso ko sa pagkakahalukipkip. 

"Prepare the food, and I'm going to get something." I said, hindi ko na inantay yung sagot niya at dumiretso ako sa sa banyo at kinuha yung toothpaste. Dumiretso agad ako sa hapag at naabutang nilagay na niya sa counter yung plato ng hotdog. Habang yung mga plato ay naka-ayos na rin. Umupo siya sa upuan, sinundan ako ng tingin at nakita kong bumaba ang tingin niya sa hawak ko. 

Lumapit ako sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay ngayon, hindi ko pinansin yon at binuksan ko yung toothpaste cap, pinisil yung lalagyan at naglagay sa hintuturo ng pea-size amount ng toothpaste. Kinuha ko yung braso niya, bago ko pa ilagay yung toothpaste sa braso ay bigla niya itong binawi.

"What are you doing?" 

"Uh, giving you first aid kit?" Tumingin ulit siya sa kamay ko at binalik sa mga mata ko ang nagtataka niyang tingin. 

My 15 Brothers And IOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz