Chapter 37 - Result

74 1 1
                                    

"Ahm, Noah?" tawag ko sa kaniya, lumingon naman siya sa akin sabay balik ulit sa kalsada ang kaniyang atensiyon. 

"Hmm?" He respond sabay liko sa kanan gamit ang manibela. Pauwi na kami ngayon sa Nevada, at mag-iisang oras na ang byahe namin. Hula ko ay malapit na kami ron.

"H-how did you managed to hide the truth from kuya Ethan and the others?" mula nung malaman ko ang katotohanan sa tunay kong pagkatao dami nang tumatakbo sa isip ko at isa na 'to roon. Pero kahit nung nakita ko na ulit sila kuya Ethan after 6 months, hindi ko pa rin magawang itanong sa kanila 'to dahil for sure dami ring tumatakbo sa kanilang isipan after they, I mean, we found out that I am not a real Briones. 

Ngayong sinabi na sa akin ni Noah kung saan ba ako nag simula saka lang ako naglakas loob tanungin ito sa kaniya. 

Napansin ko ang pag ngisi niya kahit ang kaniyang atensiyon ay nasa kalsada.

"You know, Diann. Dad and kuya Luke has their own ways to hide the truth. Ikaw ang unang babae sa pamilya kaya naging obsessed sila na itago ang tunay mong katauhan. Can you pass the juice to me, please?" Bigla akong naalerto at kinuha yung cup mula sa cup holder dito sa aking tabi. Uminom siya ron at nagpatuloy sa pagkukwento.

"Not until your brother came," at natahimik na ako ron, chineck niya ang reaksyon ko saka ako ngumiti ng hilaw.

"But don't blame them. They are just happy that you came into our lives, Diann." tumango-tango na lang ako at dumiretso na ang tingin ko sa kalsada.

"Speaking of kuya, he messaged me earlier while you were asleep, that he is in your apartment." natigilan ako ron biglang nag flashback sa akin yung huling interaksyon namin. Napalunok ako at biglang kinabahan. Nagulat na lang ako nang may isang kamay na humawak sa aking kamay.

"Don't worry, he is not mad at you. He just wants to talk with you." tumingin ako sa kaniya at nakita ko ang marahang ngiti niya. Tumango  ako at sinukli ang mga ngiti niya.

Nang makarating na kami sa apartment isang matangkad na lalaki ang pumukaw ng atensiyon namin. Nakatalikod ito kaya hindi ko mamukhaan kung sino pero nagulat ako nang biglang hampasin ni Noah yung manibela.

"How the hell did he find out?!" nagulat ako sa pagsasalita niya. Natigilan ako nang paunti-unti na itong humarap sa amin. Hindi ko siya nakilala mula sa likod, ganon na ba talaga pagbabago niya sa loob ng anim na buwan? Tinted ang sasakyan namin pero parang may idea na siya kung sino ang paparating dahil bigla ito umayos sa pagkakatayo. 

Nang i-park na ni Noah ang sasakyan, dali-daling lumabas ito. Nataranta ako dahil hindi ko agad maalis yung seatbelt na nakayakap sa akin. 

"Noah!" sigaw ko bago niya isara yung pintuan. 

Tumili ako nang tumakbo na siya at kinuwelyuhan si Zach saka sinuntok.

Narinig ko ang pagtahol ni Cloud pero mas nangibabaw pa rin sa akin yung takot na baka ano gawin ng kuya ko sa kaniya. Kaya lumabas agad ako, at nakitang hindi niya sinusuklian mga suntok ng kapatid ko.

"You bastard! Ang kapal ng pagmumukha mo magpakita rito after all what you have done to the Briones!" his voice thundered. Natigilan ako ron, I never witnessed him this angry. His wrath,  his rage, he is the last person I know who will rage like this. 

"I just want to talk to her," Zach pleaded.

"Talk? After all the fucking pain you've caused her saka mo siya kakausapin?!" palapit na ako sa kanila saka ako napansin ni Zach, nakatalikod si Noah kaya tumingin din siya sa akin. Ang mga mata niyang naglalagablab kanina ay bigla itong nanghina, na para bang isang kandila na may sindi na kapag hinipan ay mawawala na ang kaniyang apoy. 

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now