Chapter 39 - Home

57 3 1
                                    

"Ate!" sigaw ni Kean pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng bahay. Nakita ko na lang siyang tumatakbo papunta sa akin. At walang pasabi ay niyakap agad ako.

"Akala ko talaga hindi ka na uuwi eh." ngumiti ako at ginulo yung buhok niya.

"Pwede ba yun," Lumapit na rin sa akin si Kevin, si kuya Matt, at kuya Isaac. Just like the others, asking me about my life in Nevada. Lahat sila ay hindi na ako tinigilan at kung ano-ano na ang tinanong sa akin hanggang sa nakarating na kay August ang mga tanong.

"Anak?" nawala ang atensiyon ko sa mga kapatid ko nang marinig ko ang boses ni Papa sa kalayuan, biglang kumirot puso ko nang makita kong nakaupo na lang siya sa wheelchair habang tulak-tulak ito ng isang nurse. 

"Pa," dahan-dahan akong lumapit sa kaniya, pero hindi pa ako nakakatayo sa harap niya ay bumuhos na ang luha ko at niyakap ko agad siya.

"Pa, I'm sorry." 

"Shhh. Don't be. Kami dapat ang humingi ng tawad sa'yo dahil we chose to keep you in the dark. Natakot ako na once nalaman mo ang katotohan iwan mo kami. Pero ayun nga naging kaparusahan namin, umalis ka." kumalas ako sa yakap at umiling. Lumuhod ako sa harap niya at hinawakan yung kamay niya.

"Pa, may mali rin ako. Hindi ko muna inalam yung buong istorya bago ako umalis. Nagpakalayo-layo nang hindi ko pinapakinggan yung side niyo. I'm sorry, Papa." kahit kitang-kita na sa mga mata niya ang pagod. Nagawa niya pa ring ngumiti ng napakatamis-tamis, pagkatapos ay pinunasan niya yung mga luha sa mga mata ko.

"'Wag na natin balikan yung mga 'yon. What's important right now is we are complete." Inangat ni Papa ang kaniyang tingin sa mga kapatid kong nasa likod ko.

Napansin ko ang isang pigura na lumabas sa may kitchen area, hanggang sa tuluyan ko na siyang namukhaan.

"Oy Jaime, tapos na ba yang mga niluto mo. Nagugutom na kami." Hirit ni Kiel, tumayo ako at piningot sa tainga si Kiel.

"Aray," mahina niyang reklamo.

"Shut up." kuya James hissed.

Lumapit na kami sa dining area at nakitang punong-puno ng iba't-ibang putahe yung lamesa. At halos lahat don ay mga  paborito kong ulam ang nakahanda. Pero ang pumukaw ng atensiyon ko ay yung spaghetti ni kuya James na kahit kailan hindi ko makuha ang tamang lasa. Kahit nasa Las Vegas ako ilang beses ko nang pinag-aaralan yang spaghetti na yan hindi ko pa rin makuha yung tamang timpla. Even though Theron and the others are already satisfied with the taste. 

Kahit nga mga customer namin ayun ang binabalik-balikan sa diner.

"Uy! Niluto lahat ng paborito mo." asar ni Kevin at sinikuhan ako. Napansin rin yun nila kuya Noah kaya inasar nila si James.

"Nagpapalakas." at humagalpak ng tawa si kuya Matt, sinundan ko naman ng tingin si kuya James na ngayon ay abala sa paglabas-masok sa kusina. Pero pagbalik niya sa dining area ay may band-aid na nakadikit sa gilid ng kaniyang labi.

Medyo naiilang pa akong kausapin si kuya James kaya lumingin ako kay Kiel na busy sa pagsalok ng pagkain sa kaniyang plato.

"Kiel, bakit may band-aid sa mukha si kuya?" napatigil siya sa pagsalok at tinignan si kuya James na pumasok ulit sa kusina.

"Ah wala, pimple lang yon." binigyan ko siya ng nakakapagtakang tingin, pimple? Bakit parang ang laki ng band-aid sa pimple niya.

"Ay sorry, hindi pala pimple. Pigsa, pumutok ayun nag sugat." segunda niya. Okay, make sense. Pero really? Pigsa? 

Nagsimula na lahat kaming kumain. Pero tumikhim si Papa kaya nakuha niya ang atensiyon naming lahat.

"Boys, Diann. Later at dinner. We will be expecting a special guest. We will have a family meeting together with them. So please, I'm expecting that you will behave later."

My 15 Brothers And ITempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang