Chapter 13 - Bond

112 4 0
                                    

Pag nakarinig ka ng pagpatak ng tubig sa daan, kailangan mo nang ilabas ang payong o ang kapote mo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pag nakarinig ka ng pagpatak ng tubig sa daan, kailangan mo nang ilabas ang payong o ang kapote mo. Hindi dahil para iwasang mabasa, kung hindi dahil sa ayaw mo ng ulan. May mga nag-sasabi na ayaw nila dumating ang panahon ng tag-ulan, sapagkat hindi sila makakagala, hindi nila makikita yung mga kaibigan nila, at hindi nila makikita yung mga gusto nilang puntahan. 

May nagsasabi rin na ayaw nila ng ulan sa kadahilanang pag pumatak na ito sa bubong, nakakadagdag ingay lang 'to. Hindi nila mapanood ng maayos yung mga paborito nilang palabas sa telebisyon. Halos lahat ng tao ganon ang dahilan.

 Pero ako gusto ko ang ulan, dahil sa panahon na'to ko lamang nailalabas yung tunay kong nararamdaman. At sa bawat pagpatak ng luha ko mula sa aking mata, siya namang sabay ng pagpatak ng tubig sa daan. Sa bawat paghikbi ko na lagi kong tinatago sa ilalim ng unan, kidlat at kulog naman ang sumasalo. Kaya ganon ko na lang kagusto ang ulan.

"Guys! Yung tapos na mga shift ngayong gabi, mag-ayos na kayo ha. And then you can go home." sigaw ni sir Raf, ang kapalitan ni kuya James ng shift, siyempre kahit si kuya James ang head chef at may-ari ng restaurant hindi siya pwedeng tumutok dito 24/7, kailangan niya ring mamahinga. Napatingin ako sa relos ko, 15 minutes na lang before mag 12 midnight. And nag-aayos na ako dito sa pwesto ko since yun ang oras ng uwi ko. After ko maglinis, sumilip ako sa maliit na salamin ng pintuan kung saan dining area na ang labas. Kahit mga ganitong oras dagsa pa rin ang tao. And sa nangyari kahapon akala ko sentro na naman ako ng bulungan, nung dumating ako dito parang wala lang nangyari. Luto lang sila as usual.

"Oh, bakit hindi ka pa nagpapalit?" Napatingin ako sa likod ko nang biglang may nagsalita. 

"Ah sir, tinignan ko lang yung dining area. Dagsa pa pala ang tao." ngumiti siya at inakbayan ako. Noong unang kita ko pa lang kay sir Raf medyo ilang ako dahil sa mga gantong bagay na pinapakita niya sa akin pero nung maglaon nasasanay nako. Kasi kahit sa iba ganto rin siya eh.

"Well, thanks to your brother. He is a genius." at sumilay ang ngiti sa labi ko. 


'I can't pick you up tonight, Diann. Zach and I still in the middle of the meeting right now. Pero tumawag na ako sa bahay, sabi ko sunduin ka. I'm sorry. Bawi ako next time. I love you.' kuya Noah. Hayyy sino naman ang susundo sa akin? Kung wala, hindi na ako mag-aantay. Tinatawag na rin ako ng kama ko. Kinuha ko na yung gamit ko sa locker right after kong magpalit. Taxi na lang siguro ako.

Nagpaalam na ako sa mga naiwan dito at lumabas na ako sa back entrance ng restaurant. Luminga-linga ako if ever may magsusundo sa akin. Pero kahit isang pamilyar na anino wala akong makita, so I guess I should wait for taxi sa main road. 

Nag-simula na akong maglakad nang biglang may pumatak na tubig sa pisngi ko. 

"Oh, great. I don't have an umbrella." At tuluyan na ngang bumuhos.

"Okay, uuwi akong basa. Ayoko na magpatila dito. I'm tired." I look crazy but I'm really exhausted kaso baka naman mapasma ako nito. Pagkatapos kasi ng shoot ko kanina diretso agad ako dito sa restaurant, mahirap na baka pagalitan na naman ako. Naglalakad na ako sa gitna ng ulan ng may sumulpot na payong mula sa likod ko kaya napatingin ako dun.

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now