Chapter 3 - Complete

504 11 1
                                    




Chapter 3 – Complete

A/N: Enjoy reading!!

Audrey Diann's

"Anjan na ba sila Kean at Kevin?" Napatingin ako kay kuya Noah na pababa ng hagdan.

"Oo kuya, kararating lang namin." Sagot ni Kevin.

"Asan si Luke?"

"May kausap po sa telepono nasa garden, kuya." Sagot ko.,

"Diann, ayusin mo na 'yung hapag at kumain na tayo." Utos ni kuya Noah. Ngumiti ako at tumayo na at tumungo sa kusina para ayusin na yung mga pinggan. Ng matapos, ay nilabas ko na yun at inayos sa lamesa. Ng matapos tinawag ko na sila at ilang saglit pa ay nandito na kaming lahat. Kumpleto. Nagsi-upo na sila sa mga pwesto nila at kumunot noo ko ng mapansin kong wala si kuya James.

"Asan si kuya James?" Tanong ko.

"On the way na daw sya kaya wag ka ng mag-aalala." Sabi ni kuya Luke at umupo na din ako.

"Hey guys, pasensya na ngayon lang. Traffic eh." Napatingin kami kay kuya James na obvious ang pagtakbo dahil sa paghinga ng mabilis. Umupo na sya sa tapat ko at kumpleto na kami. Napangiti ako sa naisip kong 'yun.

"Now we're complete. Magdasal na tayo." Sabi ni kuya Luke at pumikit na kami at tumungo.

"Panginoon, maraming salamat po sa aming pagkain na nakahanda sa harap namin ngayon. Maraming maraming salamat din po dahil kumpleto na naman po kami ngayon. Sana po ay sa susunod nandito na din si papa at tita. Panginoon, kayo na po ang bahala sa kanila lalo na't nasa ibang bansa sila ngayon. Kayo na din po ang bahala sa amin ngayon. At sabay sabay nating sabihin ang.."

"AMEN!!" at nagkanyang kanyang attack na kami sa pagkain. Marami namang niluto kaya walang problema kung maubusan kami dito sa lamesa.

"Hoy Kiel! Para ka namang uubusan! Puno na pinggan mo oh!" Sabi ni Kevin. Napatingin ako dun sa plato ni Kiel. Natawa na lang ako ng makita kong puno nga.

"Wala kang pakialam. Eh sa gutom ako eh!" At nagsimula na syang kumain.

"Sus! Lagi ka namang gutom!" Hirit ni kuya Ethan. Napatingin ako sa pinggan ko ng may naglalagay ng pagkain. Napatingin ako sa katabi ko. At nakita ko si kuya Isaac nilalagyan ng pagkain pinggan ko.

"Dapat kumakain ka ng madami para di ka magkasakit."

"Kuya naman eh, patatabain mo lang ako nito eh." Sabi ko at nakita ko namang tumawa si kuya James.

"Oy mga kapatid tanda nyo ba nung time na tumaba tong si Diann." At nagsi-oo naman ung iba. SInamaan ko sya ng tingin.

"Hoy James! Tigilan mo na nga yan." Yan kuya Noah! Pagtanggol moko!

"Pag nabadtrip yan.. Baka maubos nya yung pagkaing nilagay ni Isaac sa pinggan nya. Lalong tataba yan." At lalo namang tumawa tong mga to. Sinamaan ko ng tingin si kuya Noah.

"Di na kita bati kuya!" At tumawa sya lalo.

"Sus! As if naman na di moko pansinin. Di moko matitiis. Ha! Ha!."

Gusto nyong malaman kung ano ang mga pwesto namin? Eto po!

Kuya Luke

Ako - Kuya James

Kuya Isaac - Kuya Matt

Kevin - Kiel

Kean - Kuya Ethan

Kuya KD - Andre

Alex - Kuya Mark

Andrew - Kuya Ison

My 15 Brothers And IOù les histoires vivent. Découvrez maintenant