Chapter 29 - Worry

87 1 0
                                    

A/N: So bago niyo simulang basahin yung chapter 29, batiin muna natin ang nag-iisang portrayer ni Audrey Diann na si park Shin Hye ng congratulations on the new chapter of her life!Sobra-sobrang blessings ang dumating sa kaniya ngayong taon, hindi lang kasal ang aasahin natin pati baby! Congratulations and best wishes to both of you and Choi Tae Joon!


Chapter 29

So the party ended early, because of what happened. Kung hindi ako lumabas ng cr na ganon ang itsura ko, or sana hindi na lang ako pumunta ng cr. No let me rephrase that, kung sana pinakisamahan ko na lang si Mr. Perez before the ribbon cutting started. Siguro hindi ganon na magiging outcome. I messed up, big time.

At since that party hindi na ako kinakausap ni kuya James, pag sinusubukan kong kausapin siya nilalagpasan lang ako. Humihingi rin ako ng tulong kila kuya kaso ganon din ang trato sa kanila ni kuya James.

"Aglio e olio, for table 6!" Sigaw ng waiter. 

"Comin'" So agad ko nang inayos yung mga sangkap sa pasta na lulutuin ko. Hindi rin nagtagal ay nagsimula na ako.  Ineexpect ko nga rin na pagagalitan or papahiyain sa harap ng mga chef dito pero parang multo lang talaga ako sa kaniya, hindi pinapansin, hindi kinakausap. 

"Shrimp Pasta for table 1." 

"Okay!" I replied. Then I put another pan on the stove for Shrimp Pasta. Nauna ko nang ilagay yung mga sangkap ng unang order. Ilang saglit lang din ay ganon na rin ginawa ko sa isang order. Matapos ang mahigit sampung minuto ay natapos ko na yung dalawang order at dinala na sa counter malapit sa pintuan papasok sa dining or front house kung tawagin namin. Nilapag ko na yun sa nakahandang tray saka pinindot yung bell hudyat na may luto ng dishes.

Napansin ko ang pagdaan ni kuya sa malapit sa station ko pero, then saka siya lumipat sa iba. Ilang saglit lang din ay pumunta siya kay Raff at may binulong dito, hindi nagtagal ay nawala rin siya sa paningin ko.

Minsan napapaisip na lang ako kung tanggap ba kami ni kuya James sa pamilya nila, kung minsan ba itinuring niya rin kaming pamilya. Lalo na sa akin, kung minsan ba naging kapatid din ba turing niya sa akin. Kung minsan ba nakita niya ako as his sister. 

Noong mga nakakaraang buwan napapakisamahan ko naman siya ng maayos, minsan naman nang-aasar siya pero hindi na umaabot sa punto na talagang dededmahin niya lang ako ng parang multo lang.

Kahit kailan hindi ako masasanay sa ganitong trato niya sa akin, kasi nasasaktan ako, sobra sobra. 

I sometimes beg in the Heavens that one day he could treat me as his sister. One day, he could treat me the way he did to Kiel and to others. Kasi kahit na hindi naman niya kadugo sila Kiel, mas napapansin ko na mas malapit pa siya sa mga 'to e. I don't hate them for that, it's just that, why do I feel like... that it is unfair to me? Parang mas ampon pa ako sa paningin niya.

"Aglio e Olio, table 6. Then Shrimp Pasta for table 1." at pumunta na ulit ako sa pwesto ko. More orders are coming. Pero nakakayanan ko namang iluto lahat 'yon.

"Chef Diann!" sigaw ni Hero. Ang isa sa mga waiter namin. 

"Bakit?" tanong ko habang ang atensiyon ko ay nasa mga niluluto ko. Pero naramdaman ko ang paglapit niya sa akin.

"May gusto pong kumausap sa inyong customer." bigla ako napatingin sa kaniya pero binalik ko agad atensiyon ko sa ginagawa ko.

"Gusto raw niya po makita sa personal yung nagluto ng order niya." 

"Tsk, paano naman 'tong niluluto ko? Hindi ko pwede iwan 'to," 

"I'll do it." si Raff at lumapit na siya sa station ko.

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon