Chapter 21 - Encounter

81 1 0
                                    

"Ayan, miss. Tapos na po kayo!" nagagalak na sigaw ni Misty pagkatapos ako lagyan ng kolorete sa mukha. As I face the vanity mirror in my hotel room, I look closely at my face. Hindi na masyadong nilagyan ng eye makeup ang talukap ng mata ko. 

Naglagay lang siya ng brown shade para magkaroon ng kulay at manipis na fake eyelashes para magkabuhay ang mata ko. Hindi na siya naglagay ng blush para hindi magmukhang clown mukha ko. And Misty really has a talent, the final touch that would fit my gown for tonight is that she colored my lips with dark red.

"This is fantastic." I said in astonishment.Napatingin ako kay Misty na ngiting-ngiti ngayon. 

 "Hindi talaga ako nagkamali na kayo pinili ko." dagdag ko.

 "I know right!" Napatingin din ako sa buhok ko ngayon. My stylist just simply styled my hair into slick straight on the middle part.

"Palit na po kayo ng gown niyo miss. Sayang po make-up." at naghagikgikan mga stylist ko. Ngumiti ako at nagpalit na ng gown sa cr.. Kasama ko rito sa hotel room mga asawa ng kuya ko, pero wala sila ngayon at mga stylist ko lang kasama ko dito sa kwarto. Tinawag sila ng event organizer para macheck yung venue ng party. 

After changing my outfit, lumabas na ako ng cr at nakita ko ang mga pagkamangha sa kanilang mga reaksyon.

"Miss Diann, hindi ko alam bakit niyo naisipang mag resign na sa pagmomodel. Sobrang nanghihinayang ako sa inyo." Sabi ng hairstylist ko.  Pumunta ako sa human-size mirror, hindi pa ako masyadong gumagalaw but I am so in love with my outfit right now. Im wearing royal blue long satin A-line with open back. The gown also detailed with ruched deep v-neckline and leg slit. 

"Oo nga Miss. Sana hindi na kayo umalis. Mamimiss po namin kayo ng sobra." Sabi ni Misty. Nasabi ko na kasi sa kanila noong unang kita namin after ko sabihin kila kuya Noah ang pag reresign ko sa LDB. 

"Balita ko nga Misty, may kapalit na daw agad ako?" Nabalitaan ko kasi kay kuya Noah nung nakaraan na may nahanap na silang model na kapalit ko. International model daw siya pero hindi ko pa alam kung ano pangalan niya.  Ayaw pa sabihin ni kuya sa akin, pero mamimeet ko siya by next week.

"Oo nga daw po Miss, next week daw pupunta sa office eh. Sabi rin ni sir Thom." Tumango-tango na lang ako. Habang nagchichikahan pa kami ng mga stylist ko about sa new model ng LDB ay may kumatok sa pinto. Binuksan ni Misty 'yon at si Zach ang iniluwa ng pinto. Ngumiti ako nang nagkatinginan kami, pero umiwas agad siya at tinignan yung mga stylist ko. 

"Asan si Diann?" naghagikgikan yung mga stylist ko habang si Zach ay palapit sa akin. Nang tumingin siya sa akin ay ngumiti siya at hinawakan ako sa bewang ko.

"Pakasal na tayo?" inirapan ko lang siya.

"Miss, labas na po kayo. Nilalanggam na po kami rito." Misty.

Zach chuckled at binalik ulit niya ang kaniyang tingin sa mga stylist ko.

"Thank you for taking care of my woman." 

"Sure sir Zach. Basta si Miss Diann." Hindi na ko makatingin sa kanila. Nahihiya na ako sa lalaking 'to.

"So, labas na kami ah." Paalam niya sa mga stylist ko. Sinulyapan ko mga stylist ko at nakita kong mga ngiting-aso na nakatingin sa akin.

"Misty, baba na lang kayo mamaya ah. 'Wag niyong antayin na susunduin ko pa kayo rito." 

"Okay po, enjoy your night Miss!" Nginitian ko na lang sila at lumabas na kami sa kwarto ko.

Habang naglalakad kami sa hallway papunta sa elevator, I felt Zach's hand slowing intertwining with mine. Napatingin ako sa kaniya habang siya ay diretso lang sa kaniyang nilalakad. 

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now