Chapter 28 - Hate and Pain

98 1 0
                                    

Umunat ako at hinimas yung kama sa tabi ko pero biglang nagising diwa ko at napabangon.

"Cloud?" inikot-ikot ko yung mata ko sa buong kwarto, but no sign of Cloud. Hindi naman kasi naalis yon sa tabi ko kapag hindi pa ako nagigising kaya tumayo  na ako nang hindi inaayos yung kama ko, kumaripas na ako ng takbo palabas ng kwarto. Pero natigilan ako nang makita si Cloud na nakatingin sa lalaking nasa kusina ngayon at nagluluto.

"August?" Sabay na humarap yung dalawa sa akin.  Tumingin si August sa akin at ngumiti.

"Sakto nagluto ako ng hangover soup. Kain na." Sabi ni August, umupo na ako  sa kitchen counter. 

"Si Cloud, kumain na?" 

"Oo, kanina pa." sabay latag niya sa harap ko yung rice noodles, nilapag na rin niya yung kutsara at chopsticks sa harap ko. Saka lang ako nagsimulang kumain. Habang ngumunguya ako naramdaman kong nakatingin siya sa akin kaya napa-angat ako ng tingin sa kaniya habang siya ay nakatitig lang sa akin. Bigla akong napatigil sa pagkain at tumingin na sa kaniya.

"Bakit ka nga pala nandito?" Napataas siya ng kilay at humalukipkip.

"Kung alam mo lang kung gaano ka ka-wasted kagabi, Audrey." Napairap ako at bumalik sa kinakain ko. 

"Thank you." Then he shrugged.

"So dito ka natulog?" umiling siya bigla.

"Of course not! Jusko naman Audrey, magkapit-bahay lang tayo." Ngumisi ako at inubos na yung niluto niyang rice noodle. Nang matapos ako na ang naghugas ng pinag-kainan ko, habang si August at Cloud ay naglalaro sa salas. Napapangiti na lang ako habang nakikita ko si Cloud na nag-eenjoy sa kalaro niya. 

"I'll just take a shower." Paalam ko, pero bago pa ako makapunta sa kwarto para kumuha ng damit ay hinawakan ni August yung braso ko kaya napatingin ako sa kaniya.

"What?" dahan-dahan niyang binitawan braso ko saka umiling.

"Ah wala, maligo ka na." I gave him another look before I've decided to go my room and take a shower. After doing my routine before work, lumabas na ako sa kwarto at nakitang nandito pa rin si August pero nakabihis na siya for work at nilalaro pa rin si Cloud. Nang makita ako ay tumayo na siya.

"Let's go?" tumango ako at tumingin kay Cloud. 

"Take care, Cloud. I'll come back later with your favorite." tumahol siya saka umikot ng isang beses. Umalis na kami ni August at pinag-usapan kung mga katarantaduhan ko kagabi. Nakikinig naman ako at natatawa. 

"That would be my first and last time, Aug." napapailing na lang ako habang si August ay natatawa. He opened the door for me, but before I make another step. I saw someone that I wish to be gone forever. 

"Diann..." I am now far...far far away from them but they still manage to find me here? At umalis na ako to make my life peaceful again pero bakit pa sila nag eeffort hanapin pa ako?

"What are you doing here?" Nang humakbang siya ng isang beses umatras naman ako.

"Let's talk."

"Audrey," August. Napansin ko ang pagsulyap ni Noah sa katabi ko ngayon. Pero binalik ulit niya ang atensiyon sa akin. Wala akong mabasa sa mga mata niya kung hindi pagmamaka-awa. 

"Is he your boyfriend?" tanong niya. Ngumisi ako.

"So is that why you are here? To check me if I have a boyfriend? Well, you see meron na ako. So will you please leave? You're ruining my day." Lalagpasan na sana namin siya ni August pero hinawakan ako sa braso ko. Pero bago pa ako makapag-react nakita ko na lang siyang nakahandusay sa sahig.

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now