Chapter 5 - The Date

287 7 0
                                    


Chapter 5 - The Date

A/N: Sorry sa mabagal na update. Happy Readings! ^^

Audrey Diann's

"Nakakainis ka Monique!" Pagkasabi na pagkasabi ko ng umupo kami sa sofa. Nandito na kami sa bahay at lahat ng tao dito wala. Maliban sa mga katulong.

"Ano ka ba Diann? Isipin mo na lang ung wallet mo. Isipin mo na lang na kaya tayo magde-date eh dahil sa wallet mo." Napa-buntong hininga na lang ako sa nangyari. Sana mamatay na sya sa araw mismo ng date naming para di na matuloy date namin. Ganun na ba ako ka-OA? Kaya lang naman ako galit na galit sa kanya, pinahiya nya ako sa maraming tao, tapos pinag-sigawan nya pa na 32-A lang tong dibdib ko! Kaya pala parang pamilyar ung Tom na yun kasi sya ung nambastos sa akin.

"Ah basta ayokong makasama ung Tom na un!"

"Bakit? Ano ba meron sa inyo ni Tom at kilala mo sya?" At binigyan ako ng ngisi na di ko gustong makita.

"Wala!"

"Ano nga kasi yun Diann?!"

"Wala nga kulit mo!"

"Hoy! Bunganga nyo abot sa labas!" Napatingin kami sa may pintuan at nakita naming si kuya Noah, lumapit ako sa kanya at dinampian ko sya ng halik sa pisnge.

"Kumain ka na kuya?"

"Not yet. Ano ba pinag-uusapan nyo at kailangan nyo pang magsigawan?"

"Kuya Noah, ganito kasi yan. Si Diann m-hmmmm!!" Tinakpan ko agad ung bibig nyang malaki para di na matuloy ung sinasabi nya. Once na malaman nya ung tungkol kay Tom papahanap yun ni kuya. Tinignan ko nang masama si Monique at tumingin kay kuya Noah na nakakunot ung noo at sinagot ko na lang ng ngiti.

"Ano yun Diann?"

"Ah ano... Kasi kuya... err.. Si Zach, hinatid ako sa school." Sabay ngiti. Mukhang di sya satisfied sa sagot ko pero bumuntong-hininga na lang sya.

"Okay. Sige na kakain muna ako." Binaba nya ung bag nya sa sofa.

"Paghahain na kita."

"Hindi na. Kaya ko naman paghain sarili ko." Ngumiti sya at pumunta na sa kusina. Tumingin ako kay Monique at sinamaan sya ng tingin.

"Ano ka ba? Napakalaki talaga ng bunganga mo. Paano na lang kapag nalaman ni kuya ung tungkol dun ha?!"

"Sabihin mo na kasi." Pag pupumilit nya. Dahil ayaw nyang sumuko kinuwento ko na sa kanya paano kami nagkakilala ni Tom. At ng matapos..

"Oh my G! Seryoso?" Tumango na lang ako.

"Kaya ayokong makipag date sa kanya, kasi baka ipahiya nya na naman ako."

"Hay nako Diann, isang date lang un. Kaya pumayag ka na please!!"

"Oo na sige na! Basta wag mo na lang sasabihin sa mga kapatid ko. Alam mo naman kung gaano ka OA ng mga yan kapag may di magandang nangyari sa akin." Tumango tango na lang sya.

Naalala ko tuloy nung may umaway sa akin sa school. 4th year highschool ako nun. Nakita nung kambal kung paano ako awayin nung kaklase kong un, kaya nagulat na lang ako nung pumunta silang lahat sa school at tinakot ung kaklase kong lalaki, ayun napilitang lumipat ng school. Hindi ako masaya nun, naawa ako dun sa kaklase ko. Tapos ang dipensa pa ni kuya Noah "Eh sa inaway ka kaya namin ginawa un!" Di na ako sumagot at hinayaan na lang un.

***

"Diann! Tapos ka na?" Napatingin ako sa pinto ng kwarto ko at binuksan un.

"Oo tapos na ako."

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now