Chapter 6 - Noah

219 4 2
                                    

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.


Chapter 6 – Noah

A/N: I dedicate this chapter to my beautiful niece for making me a new book cover for my story, I appreciated it a lot. hahahahaha Happy Reading Guys! 

Noah's P.O.V

"SALAMAT Matthew, sige kakausapin ko na lang mamaya.Wag mo na lang sabihin kay Isaac at Luke, lalo na sa mga kapatid nya at lalo lang syang sesermunan." Ang tinutukoy kong mga kapatid nya ay si Mark, Kyle, Ison at Ethan.

"Okay na yung ginawa mo, wag mo na lang sabihin sa kanila 'to. Sabihan mo din si Andrew at Kiel na wag na lang sabihin ako na ang bahala." At binaba ko na ung tawag ng kapatid ko. Tumawag si Matthew at sinabi sa akin na nakipag-date si Diann sa di namin kilala.

Actually kilala ko yun, hindi lang ako pati na rin si Kean at Kevin. Si Tom at Mark yung ka-date ni Diann. At buti na lang sa akin sinabi ni Matthew yun, pag nalaman yun ni Isaac at Luke baka ano gawin nila dun sa dalawang un. Paano ko nakilala si Tom at Mark? Simple lang, dahil kay Kevin at Kean once ko na silang nakitang mag-kasamang apat at pinakilala sa akin ni Kean ung mga kasama nila sa gang, gangster ang magkapatid na yun ganun din si Tom at Mark. Hindi din alam ni Kiel na gangster ung mga kapatid nya. Sa aming magkakapatid ako lang ang nakaka-alam. Ayoko rin naman mag-iba ang tingin nung mga kapatid ko sa dalawang yun kaya sinikreto ko na lang.

Flashback

Pauwi na ako galing BG, sa di kalayuan may nakita akong mga binatang nakikipag-basag-ulo sa kapwang binata. Nako, dis-oras na ng gabi may mga natutulog na nagawa pa nilang mag-away. Kinuha ko phone ko at d-in-ial ung police station.

"Hello police station, concerned citizen lang po ako pero may mga binata pong nag-aaway dito. Siguro po ang mga edad nila nasa 23 to 25 po. "Sabi ko na lang agad di ko na hinintay na magpakilala kung sinoman ang sumagot sa kabilang linya. At sinabi ko na kung saan nagaganap yung away. Pero may napansin akong pamilyar dun sa mga nag-aaway, lumabas ako ng kotse ko at naglakad palapit dun sa mga nag aaway. Hindi naman sobrang lapit kasi baka mabasag mukha ko sayang naman 'tong minana ko pa sa magulang ko. Nang maaninag ko na yung mukha nanlaki mata ko nang makita ko si Kevin un.

"Kevin?!" At napatigil sya sa pagsuntok sa kaaway nya at napatingin sa akin. Nagulat ako nang suntukin sya at sakto naman ang dating ng mga pulis.

Napatingin ako kay Kevin at mas lalo akong nagulat sa isa pa nyang kasama... si Kean?? Napatingin ulit sa akin si Kevin at may binulong sya sa kapatid nya na napatingin sa akin si Kean, di katulad ng reaksyon ni Kevin nagulat si Kean nang makita ako. Dinampot na silang lahat ng mga pulis.

"Sir, kayo po ba yung tumawag?" Napatingin ako sa isang pulis na di ko namalayang nasa harap ko na, nakatingin lang kasi ako dun sa dalawa.

"A-ahh y-yes.."

"Halika po kayo sumama po kayo sa amin. May ilang katanungan lang po kami."

"PAUWI na po ako galing sa trabaho nun nang makita ko po yang mga binatang yan." Kinukwento ko yung mga nakita ko kanina kaya lang napapatingin ako dun sa mga binata lalo na kay Kevin at Kean. May mga pasa at sugat sila sa mukha. Kung hindi ko pa sila nakita baka ano na nangyari sa mga batang to.

My 15 Brothers And IDove le storie prendono vita. Scoprilo ora