Chapter 34 - Uncertainties

83 1 1
                                    

"So, how did you met with our sister?" tanong ni kuya Ethan habang nandito na kami sa salas, kumakain. Since limited for 3 persons ang aking bar stool sa counter top, we decided to eat here on carpeted floor in the living room, since yung rectangular center table dito ay sakto at malawak kaya pwede naming kainan. Iisa lang din ang sofa ko rito, kaya malaya kaming nakakagalaw. I only have tv, center table and one sofa in my living room.

As I said, my apartment is so plain, August is consistently complaining about my house, because its too spacious pero hindi ko na binalak dagdagan pa ng furniture itong tinitirhan ko dahil pampasikip lang naman sila.

Napatingin ako sa kuya ko ngayong seryoso ang mukha, samantalang si August naman ay walang kahirap-hirap sagutin tanong ni kuya.

"At the airport po, in the Philippines." tahimik akong natawa nung gamitin niya yung po kay kuya. Eh sa pagkaka alam ko mas matanda siya sa kuya ko. Napatingin ako kay Andre nang bigla itong napapitik sa hangin.

"Oh! So you were the one who claimed to be ate's boyfriend?" napatungo na lang ako nung maalala ko bigla 'yun. How the hell did he find out? Napaangat ako ng tingin sa mga kuya ko, si kuya KD at kuya Mark ay matalim na nakatingin sa akin samantalang si kuya Ison at kuya Ethan ay kay Andre nakatingin.

"Ah, yes." sagot ni August, napatungo ulit ako. Ano ba naman yan.

"Friend lang pala ha," bulong ni Alex sa tabi ko. Sinamaan ko siya ng tingin at nagkibit-balikat lang siya.

"What do you mean 'claimed'?" tanong ni kuya Ison kay Andre pero nilipat niya tingin niya sa katabi kong si August. Napag-gigitnaan ako ni Alex at ni August samantalang nasa magkabilang kabisera si kuya Mark at kuya KD, at yung dalawa ko pang kuya ay kaharap ko lang kasama si Andrew. 

"There is someone bugging her while she's on her way on the plane,"

"And that is kuya Zach," singit ni Andrew. 

"How did you know about this?" tanong ni kuya Mark sa bunso.

"Kuya Kiel told us, hindi ko alam saan niya napulot 'yon," sagot ni Andrew. Napatingin sa akin mga kuya ko at tinaasan ako ng kilay. Bigla ako nabilaukan, kaya napasuntok ako ng mahina sa aking dibdib, para maibsan kahit papano bumaba yung kinain ko kaso wala pa rin. 

Ilang saglit pa ay nakita kong may baso sa harap ko, agad kong ininum 'yun. Napansin ko rin ang pag-upo ni August sa tabi ko.

"Okay ka na?" tumango-tango na lang ako at inubos na 'yun.

"So is it true?" 

"Yes," sagot ko kay kuya Ison. 

So as the time goes by, my brothers keep asking August about his life. Well, may background na ako sa kaniya, nakwento niya sa akin na, naulila na siya. Sa murang edad, yung kaniyang nanay ay namatay dahil sa sakit at ang kaniyang tatay ay kinalimutan na siya at naghanap na ng pamilya. Nag-iisang anak lang siya, kaya nagtrabaho rin siya ng maaga, he stopped his studies just to provide for himself, wala rin siyang relative both sides of his parents. Then because of his perseverance, he was able to continue his studies until he get to reach his dreams and to my surprise we even have the same course! 

Pero hindi ko siya nakilala noon, since we are working in the same industry. Pero sabi niya limang taon na raw siyang nandito sa States, eh that time I was still in my Senior High. So I don't know anything about him. 

Hours passed my brothers were still in my apartment, drinking. Of course, August is with them. Niyaya rin ako pero I refuse, I'm not in the mood to have a drink. Nasa salas silang lahat, habang ako napag desisyunan kong pumasok sa kwarto, natagpuan kong natutulog sa kama ko si Cloud. 

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now