Chapter 2 - Meet the family Briones (part 2)

598 11 0
                                    

Chapter 2 – Meet the family Briones (part 2)

Audrey Diann's P.O.V

"Princess alam mo ba kung ano oras uuwi si Kean at Kevin?" Tanong ni kuya Luke habang nag-huhugas ako.

"Mamayang hapon daw kuya, may tinatapos lang daw sila." Sabi ko at ngumiti.

"Eh si Karl at Ison?"

"Ganoon din kuya" Ngumiti ulit ako.

"May pagkain pa ba?" At napalingon ako sa may pinto ng kusina at nakita kong nakatayo dun si Kiel na kakamot kamot pa ng mata.

"Ay sorry Kiel! Ipag-luluto na lang kita. Wait lang ha."

"Ayan, kasi puyat pa sa kapapanood ng anime ayan naubusan ka ng almusal." Sabi ni kuya Luke at nagkamot ng ulo si Kiel.

"Eh kuya, ganda kasi ng episode ngayon ng Gintama, kaya 'di ko magawang makatulog, lalo na't nag lalaban na si Gintoki at Takasugi ganda nung episode na yun." At natawa na lang ako habang naghu-hugas at ng matapos nag simula na akong mag hiwa-hiwa para makakain na rin si Kiel.

"Eh wala akong pakialam jan sa toki toki na yan kung sino man ang manalo o hindi." At umalis na sya sa kusina, lumapit sa akin si Kiel at nag-salita ako.

"Ano nangyari kay Gintoki, natalo ba nya si Takasugi?" tanong ko at napakamot sya ng ulo.

"Yun nga ate eh, biglang nalowbat laptop ko eh. Kainis nga eh. Pero mamaya itutuloy ko, gusto mo rin ba manood?"

"Maaga pasok ko bukas eh, baka 'di rin ako makapanood."

"Hayaan mo ate kwento ko na lang sayo." At ngumiti ako.

"Oo nga pala, tulog pa rin ba si kuya Isaac?"

"Oo ate, kasi 2 na sya naka-uwi kagabi, gising pa ako noong oras na 'yun, sabi niya marami daw customer kagabi sa fast-food restaurant kaya pinag-overtime sya ng manager nila."At tumango tango na lang ako. Siya nga pala si Kiel, mas matanda ako sa kanya ng isang taon, at mahilig sya sa anime, kagaya ko. Kaya kapag weekend nanonood kami sa kwarto ko ng anime. Pero dahil sa sobrang kaadikan nya sa anime naging bihasa din sa pagdodrawing. Kaya kapag may project yung kambal tungkol sa drawing kay Kiel sila nalapit. Hindi lang yun ang kayang gawin ni Kiel, mahilig syang kumain ng kumain, kaya nyang ubusin yung dalawang pinggan ng kanin nakakainis nga eh, kahit anong kain nya di sya tumataba. Eh ako dati panay ang kain ko ayon naging chubby ako kaya lagi akong inaasar ng mga kuya ko na tabachoy kaya ayun iniwas iwasan ko ng kumain ng marami. Nung natapos na akong magluto hinanda na nya yung pinggan nya at nilagay sa lamesa. Ako naman ay inayos na 'yung niluto ko at yung kanin. Medyo marami yung kanin kasi baka ubusin nya yun.

"Hoy Kiel, si kuya Isaac tirahan mo ng kanin at ulam ah. Isusumbong kita kay kuya Luke." Tumango na lng sya at kumain na, pupunta na sana ako sa salas ng makita kong pababa si kuya Isaac sa hagdanan, ngumiti ako.

"Good Morning kuya." Sabi ko at lumapit sya sa akin at niyakap, naramdaman kong dinampian nya ng halik ulo ko.

"Good Morning din princess." Ngumiti sya, pumunta kami sa hapag at pinaupo ko na sya sa upuan para makakain na sya at ako na ang kumuha ng pinggan nya at kubyertos, pinag-sandok ko na sya ng ulam at kanin. Sya nga pala si kuya Isaac... Isaac Darwin. Ang pinaka-tahimik sa aming lahat, pero kahit ganoon sya napaka-sweet nya sa akin, wala naman kasi syang girlfriend eh kaya sakin na lng sya nagiging mabait. Kaya kapag may special occasion, bibigyan nya ako ng flowers at chocolate o di kaya gift, tulad ng damit o kaya libro. Kaya swerte nung babae kapag nakatuluyan nya yung kuya Isaac ko. At napaka-sipag nyan, nagtatrabaho sya kahit na may pera na kami. Marunong ng tumayo sa sarili nyang paa. Pero ang pinag tataka ko bakit sa isang fast food restaurant sya nagtatrabaho, eh may company naman kami kaya bakit hindi sya doon nagtrabaho. Pero kahit ganoon swerte ko pa rin na nagkaroon ako ng kapatid na katulad nya. Maliban kay kuya Noah napaka-over-protective nya sa akin. Naalala ko tuloy noong minsan, kasama ko si kuya Isaac para mamili, may sumipol lang na lalaki, sinuntok na nya. Ang akala nya kasi ako yung sinisipulan eh nagsabi naman ng totoo yung lalaki at hindi naman daw ako yun sakto lang yung daan namin ng sumipol, kaya binigyan ko na lang ng pera pampagamot yung lalaki at humingi ng pasensya, di ba nakakahiya. Kaya si kuya Matt na lang lagi sinasama ko kahit na panay yung pagtingin sa mga babaeng nakakasalubong namin at tatawaging "hi babe" at  "pahingi naman ng number mo" mga ganoon.

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon