Chapter 7 - The Chef

210 6 0
                                    

Chapter 7 – The Chef

Audrey Diann's

3 years later

"One order of Pork Steak for Table 1 please!"

"Coming up!" Sigaw ko at hinanda na ang mga ingredients para sa lulutuin kong pagkain. Tatlong taon na ang nakalipas, at nakapag-graduate na ako under Culinary Arts. At dito mismo sa restaurant ni kuya James ko pinili magtrabaho. At hindi biro magtrabaho dito lalo na kasa-kasama ko ang head chef dito sa loob ng kusina at yun ay ang kuya ko. Talagang dedicated sya sa trabaho nya, nakakatakot sya pag nasa loob sya nang kusina. Hindi mo sya makikitang nakangiti. Napaka-strict nya sa mga ka-trabaho nya. 

Naiintindihan ko naman si kuya bakit nya ginagawa yun, syempre para mas paigihin nung iba ung trabaho nila. Depende na lang sa mga ka-trabaho ko kung gagawin nilang motivation ung pagiging strikto ni kuya sa kanila.

"Ano ba yan, ayusin mo naman yang ginagawa mo. Sa tingin mo ba magugustuhan ng customer yang gawa mo?!" Sigaw nya sa isang chef. Ako naman ito piniprito ung pork. Kahit masakit ung mantika kailangang tiisin. Ano pa ang pagiging chef ko kung mag-iinarte lang ako lalo na kapag natatalsikan na ng mantika diba?

"Diann, i-prepare mo na ung sauce jan sa pork steak mo. Magtatagal ka lalo jan sa kapag hihintayin mo pang i-flip yang karne na niluluto mo eh!" Nagulat na lang ako nasa tabi ko na pala si kuya James.

"Yes Chef." Nakakataranta kapag pinapagalitan ako ni kuya. Habang inaayos ko na ung sauce ng pork steak sya naman minomonitor ung piniprito ko.

"Diann, kapag ganito ihanda mo na ung iba pang kakailanganin para hindi naghihintay ung customers natin."

"Sorry po Chef."

"Intindihin mo na lang yan." At hindi na ako sumagot. Nang matapos ko nang gawin ung sauce, nilagay ko na ung karne sa pinggan at nilagay na ung sauce dun. May pumasok na waiter sa kusina at tinawag ko gamit nung bell na pinindot ko sa may mesa ko.

"Pork Steak for Table 1!" At lumapit na sa akin ung waiter at kinuha na ung order at lumabas na. Nilinis ko na ung pinaglutuan ko. Maghihintay na naman ako para sa susunod na oorder.

"Tinulungan na naman sya ni Chef James." Narinig kong sabi ng isa kong katrabaho na nagpatigil sa akin sa pagpunas ng kalan ko.

"Expected na yun. Kapatid eh."

... At sa trabaho, hindi maiiwasan ang mga tsismis. Ilang beses na 'to pero hindi ko na lang pinapansin. Ayoko nang gulo, saka sinabihan na rin ako nila kuya na ako na ung mismong unang umiwas sa away para walang gulo.

***

TAPOS na shift ko kaya mag-aayos na ako para umuwi. Nakareceive ako ng text mula kay kuya Noah na nasa parking lot na sya, sinabi ko sa kanya na hintay lang sya ng 5 minutes kasi kakausapin ko si kuya James. Pumunta ako sa opisina nya, kumatok muna ako at hinintay na sumagot si kuya James.

"Pasok!" Rinig kong sigaw nya at nakita ko syang naka-upo sa swivel chair nya at may hawak na wine glass. Nang makita ako, agad syang umayos ng upo at tumingin sa akin.

"Oh Diann, tapos na shift mo bakit ka pa nandito?" Tanong nya. Inalok nya ako ng wine pero tumanggi ako.

"Anong meron?" Tanong nya ulit.

"Chef..."

"Just call me kuya, tayong dalawa lang naman nandito eh. Ano bang problema?"

"Ah eh.. Kuya, un na nga ang problema eh. Pwede po bang i-set aside muna ang relasyon natin as magkapatid? Pwede po ba kapag nandito tayo sa loob ng restaurant, ang relasyon lang natin ay magkatrabaho?

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now