Chapter 33 - Choice

70 1 0
                                    

Looking back, made me smile. I never thought August would follow me there while I'm in a crisis how to live a life here in States, lalo na't nadukutan ako non!

From airport, tinataboy ko na siya kasi hindi ko siya kilala 'non. Sumakay na lang ako sa trip nung nagpanggap siyang boyfriend ko sa harap ni Zach. Pero hanggang dun lang 'yon.

Ni hindi ko nga rin alam paano niya nalamang palaboy-laboy na lang ako sa gilid ng kalsada. At first, he offered me to go with him in Las Vegas. Pero tumanggi ako, dahil hindi ko nga siya kilala, at mas lalo akong tumanggi dahil pupunta siyang Las Vegas! Eh ni hindi nga ako pamilyar sa California, sa ibang lugar pa kaya. Mamaya ano pang gawin niya sa akin. And what happened earlier that day made my trust issues even stronger for those who are willing to help me. Kaya tinanggihan ko siya 'non.

Pero ang ginawa niya after ko tanggihan alok niya, iniwan niya ako na parang asong ililigaw! Walang ni-isang salita, tinalikuran niya ako. 

And before I knew it, my feet followed him. Hindi rin naman siya nag react nung sinundan ko siya. 

Then having a new life now, here in Vegas. Sitting here in the bus, watching the cars outside, it feels so foreign to me, even though I usually see this everyday, dahil na rin siguro mas malawak yung kalsada dito kumpara sa Pilipinas. Tumingin ako sa katabi kong nakadiretso ang tingin at nakakunot ang mga noo. 

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya, napabaling siya sa akin. Ngumiti siya kaya ngumiti rin ako. 

"Bakit?" tanong niya.

"Wala lang," tinaasan niya ako ng kilay, yung ngiti niya kanina napalitan na ito ngayon ng ngisi.

"Weh? Narealize mo na sigurong gwapo ako no?" inirapan ko siya at binalik atensiyon ko sa mga kotseng nadadaanan namin. Natawa ako bigla nang bigla niya akong alugin kaya natawa ako.

"Panget ka pa rin," naramdaman ko ang paglayo ng mga kamay niya sa balikat ko kaya napabaling agad ako sa kaniya. Nakahalukipkip na siya ngayon at diretso na ulit ang tingin niya sa harap. 

Natawa naman ako kaya inalog ko rin siya gaya nang ginawa niya sa akin kanina.

"Huy! Naniwala ka naman?" tinignan niya ulit ako ngayon ng seryoso ang tingin kaya napaiwas ako at nakatingin na lang ngayon sa baba niya.

"So totoo nga?" napabalik ang tingin ko sa mga mata niyang nakataas na ang kilay ngayon, ngumiti ako at tumango.

"Oo, baliw." sabi ko na lang. Umiwas siya ng tingin at humarap sa kabilang gilid at may binulong siya na hindi ko narinig.

"Sayo," 

"Huh?" mas mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbalik niya ng tingin sa akin.

"Huh?" tanong niya.

"Anong huh? May binubulong ka 'jan. Ano 'yon?" umiling siya at tumayo na. Nakita ko ang ibang taong nakatayo na sa harap ng pintuan ng bus. Ganon na rin ginawa ni August, sumunod na lang ako sa kaniya, ilang saglit lang din ay tumigil na sa isang bus stop kaya bumaba na kami kasabay yung mga tao. 

Hindi na ako inantay ni August at nauna na siyang maglakad, now I can only view his back. Kung hindi mo siya kilala, magmumukha siyang amerikano sa katawan niya. The way his muscles move, his broad shoulders and biceps are waving behind his long sleeve polo.  

Yung slacks niya rin konti na lang pwede nang masira sa sobrang hapit na hapit ng kaniyang hita.

Nginusuan ko siya sabay irap.

I scoffed.

"Sungit," nagulat ako nang bigla itong humarap sa akin at tinaasan ako ng kilay. Narinig niya sinabi ko?

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon