Chapter 48 - Legally

63 2 0
                                    

Ang bilis ng mga pangyayari, after what happened, kuya Luke talked to me in private, asking what really happened. 

"Wala nga, kuya." depensa ko, eh sa wala naman talagang nangyari. Ano ba gusto nila marinig? Ayaw naman nilang bigyang-linaw yung mga tanong nila. 

"Eh bakit galit na galit kapatid mo?" 

"Hindi ko alam sa kaniya." hindi sumagot si kuya kaya napatingin ako sa kaniya at naniningkit na ang mga mata para bang pinag-aaralan niya mabuti ang kilos ko.

"Stop it, 'wag niyo ngang bigyan ng malisya yung mga kilos ko at ni Noah." mas lalong naningkit mata niya na para bang may napansin siya sa ginawa ko. 

"Noah?" bigla ako kinabahan sa tanong niya.

"N-ni K-kuya Noah." hindi niya ako tinanong pa muli at bumuntong-hininga na lang siya. 

"Diann, kapatid mo pa rin kami, even we are not related by blood, but you're our sister by papers and by heart, I just wanna remind you that." 

Napabuntong-hininga na lang ako kapag naiisip ko yung huling sinabi niya. 

"Lalim naman niyan, girl." napatingin ako kay Monique na ngayon ay abala sa pag-lagay ng kung ano-ano sa kaniyang mukha habang nakaharap siya ngayon sa salamin. Pinagmamasdan ko lang siya habang nakaupo ako ngayon sa gilid ng kama ko.

"Nakwento sa akin ni Isaac nangyari kanina ah." humiga ako at tumagilid ako ng higa paharap sa kaniya. Hindi ako sumagot kaya napatingin siya sa akin.

"Umamin na ba sa'yo si kuya Noah?" nabigla ako sa tanong niyang 'yon. Nang makita niya reaksyon ko ay natawa siya bigla.

"Umamin na nga?" hindi pa rin ako sumasagot. 

"Don't worry, hindi makakalabas sa kwarto na 'to lahat ng mga pinag-usapan natin." natapos na siya sa kaniyang ginagawa kaya tumayo na siya pero may kinuha siyang isang pakete ng face mask at lumapit siya sa akin. 

"Ano gagawin mo?" inangat niya yung pakete ng face mask at ngumiti.

"I'm going to put this on your beautiful face, girl." 

"You know I don't do that kind of stuff." ngumisi lang siya. 

"Gusto ko lang gawin 'to sa bestfriend ko at padagdag na ng padagdag ang mga nakapila sa'yo. Ayoko naman na may makita silang something sa mukha mo at layuan ka no." Hindi na ako pumiglas pa, pinahiga niya ako sa kaniyang hita at sinimulan na niyang lagyan ng face ang aking mukha. 

Hindi na niya ako tinigilan sa nangyari kanina kaya kinuwento ko na lahat pati mga sinabi ni Noah sa kweba. 

Nang matapos ay hindi na siya nagsalita kaya napatingin ako sa kaniya at nakatingin lang din siya sa akin. 

"Hmm.."

"You know what, ever since you left, yang si kuya Noah, hindi na nirespeto privacy namin ni Isaac. Everytime na pupuntahan ako ni Isaac sa condo, kasama siya at dun siya mag-iinom at mangungulit kung saan ka daw ba niya hahagilapin." natahimik lang ako at pinikit ang mga mata at iniisip yung mga kwento ng aking kaibigan. 

"Dalawang linggo na ata simula nung umalis ka, hirap na hirap kang hanapin ng mga kapatid mo. Pero siya nasa condo lang, kinukulit ako. Inis na inis na nga kuya Isaac mo eh." wala kaming naging contact ni Monique simula nung umalis ako at lumipad pa America. Kasi alam ko siya ang lalapitan lahat ng mga kapatid ko, si Monique pa naman yun tipo ng tao na takot magsinungaling, pag nagsinungaling siya mahuhuli at mabibisto siya sa mga oras na 'yun. 

At ayoko rin siyang madamay sa gulo naming magkakapatid kaya minabuti kong putulin ang komunikasyon sa kaniya. 

"Ibig sabihin may alam si kuya Isaac?" tumango lang siya sa tanong ko. 

My 15 Brothers And IDonde viven las historias. Descúbrelo ahora