Chapter 16 - Departure

106 3 0
                                    


"How are you feeling right now?" tanong ni kuya Mark

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

"How are you feeling right now?" tanong ni kuya Mark. Mag-iisang linggo na simula nung naaksidente ako, at parecover ako recover day by day. Kaya ngayon, nakakapaglakad na ako sa loob ng bahay. Pero hindi lagi, dahil sa advice pa rin sa akin na, 'wag ko masyadong pilitin sarili ko. Baka daw lumala sprain ko. And since that accident, dito muna daw mananatili si kuya Mark. Wala raw siyang tiwala kila kuya Ethan at kuya KD sa pag-aalaga sa akin.

"Kuya, sasabihin ko naman sa'yo kung may masakit ba or ano. Hindi mo na kailangan tanungin maya't-maya. I'm fine, really. Hindi ko masyadong maintindihan pinapanood ko dahil sa pagtanong mo sa akin." Nanonood kami ngayon ng movie sa kwarto ko. At kanina pa ako tinatanong kung okay lang ba ako, kung may kailangan ba ako, something like that. 

"Kung pwede ko lang hilutin yan eh. Edi sana hindi na ako nagtatanong ngayon." ngumiti ako at ngumuya ulit ng chips. Advice kasi ng doctor na 'wag galawin yung paa ko or hilutin ng kung sino-sino. Unless kung professional ang gagawa. Kaya nagpapunta ng professional therapist dito si kuya Noah, araw-araw ang pagpunta niya dito kaya mabilis pag galing ng pilay ko. 

"Diann..." at tumawa ulit ako.

"Stop it kuya, hindi na ako makafocus sa pinapanood ko dahil sa pagtawag mo." 

"If I ask your friend a date, is it okay to you?" napatingin ako sa kaniya at binigyan siya ng what-do-you-mean-look. I don't get it. Sino idedate niya? My friend? Kumuha ulit ako ng isang chips ng may isang taong pumasok sa isip ko.

"Really?! You will ask Miguel to date you?!" at dahil dun nakaramdam ako ng batok.

"Why would I date a guy? That's gross. Lalo na kung si JM. Tss."

"Sabi mo kaibigan ko eh!"

"Pero hindi lang naman siya kaibigan mo, duh!" at inirapan ako, hala. Kailan pa siya natuto ng ganon? 

"I mean, si Mo-Mo..."

"Of course, I know who are you talking about, its Monique right?" 

"Yeah." at nagfocus ulit ako sa pinapanood ko kahit hindi ko na maintindihan yung mga nangyayari.

"But why are you asking me my permission? You can date whoever you want, kuya. It's your life anyway, but one thing is for sure." tumingin ako sa kaniya.

 "Don't break her heart. Ako ang unang aaway sa'yo pag nangyari yon."  

"Why do you say that?"

"I don't know if I am in the right position to tell you this, but Monique is in love with you for years. And I just can't say that to your face since I want you the one who will acknowledge her, not because of me." at ngumuya ulit ako ng chips, wait sinabi ko rin edi liligawan nga siya ni kuya dahil sa sinabi ko, pero hindi nauna siyang mag-open ng topic don kaya okay lang. I glanced at him then I saw a corner of his mouth lifted while looking at his hand.

My 15 Brothers And IOnde histórias criam vida. Descubra agora