Chapter 17 - Wounded

111 2 0
                                    

"Okay! Thank you for today

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Okay! Thank you for today. Next week na ulit." sigaw ni Grad, ang organizer namin ngayong photoshoot. Maaga kaming natapos ngayon, kaya marami pa akong time bago pumunta sa restaurant. 

Isang linggo na simula nung umalis si Andre at yung kambal at magaling na rin paa ko, nung isang araw pa kaya kahapon pinayagan na ako nila kuya bumalik sa trabaho. Dapat next week pa, nakipagtalo pa ako sa mga tao sa bahay, kaso ang dami ko nang absent at dami ko nang naabalang tao sa dalawang linggo kong hindi pag pasok, nakakahiya na lalo na kay kuya James. Balita ko, siya raw muna ang tumao sa pwesto ko. Isa yun kaya gusto ko na pumasok, for sure sobrang inis na yun dahil ilang linggo na akong hindi pumapasok sa restaurant. 

Kumain muna ako ng burger dito sa tabi, dahil nagpalipas na naman ako ng almusal kanina. Hindi ko rin kasama si kuya Noah ngayon dahil may urgent meeting siya with kuya Luke. And I don't have an idea what is that. 


"Sir, sorry po. Takot talaga ako kay sir Tom eh. Hindi ko po siya magawang puntahan sa dressing room." napatingin ako sa nagsalita at nakita ko kausap ni Grad yung make-up artist namin na si Kiss at mukhang hindi mapakale. Hindi ko makita kung pagmumukha ni Grad, dahil nakatalikod siya sa pwesto ko.

"Ano ba sabi niya sa'yo?" hindi ko man makita ekspresyon ng mukha niya pero sa boses niya mukhang iritable siya. 

"'Wag raw siya istorbohin, matutulog daw po siya. Ganon." 

"Ah ginawa pa niyang bahay 'tong studio." at nakapameywang siya ngayon.

"Hindi porket may itsura siya, ayoko ng ganong pag-uugali niya ha!" dahil hindi na ako mapakali sa inuupuan ko tumayo na ako at lumapit sa kanila.

"Ma'am Diann." tawag ni Kiss sa akin nung mapansin niya ako. Napalingon naman si Grad sa gawi ko at tinaasan lang ako ng kilay. Ay iba, attitude. Pag nandito si kuya bait-baitan ka? Tinignan ko rin siya at tinaasan ng kilay.

"You look uneasy, something's wrong?" tanong ko sa kaniya. S'yempre kunwari wala akong narinig kanina. 

"Paano po kasi si sir Tom, ayaw pa pong lumabas ng dressing room." 

"Bakit ano ba itsura nung pagpasok pa lang dito?" tanong ni Grad. Lagi naman masama mukha nun, akala mo laging may pinagdadaanan. Parehas na parehas sila ni Kevin. 

"Sabi nung stylist, mukhang badtrip. Tapos may pasa-pasa sa mukha." Oww. Kaya pala ayaw mag shoot. 

"Ah, dahil may pasa siya? Ano naman inaarte niya? Ano ba pa silbi ng concealer?" at humalukipkip siya ngayon. Grabe yung attitude, ganyan ka pala pag wala si kuya ah. Two-faced bitch.

"Ako na bahala sa kaniya." napatingin naman sa akin yung dalawa.

"I'll handle him. May first aid ba tayo dito?" at lumingon-lingon yung make-up artist na para bang may hinahanap.

"Alam ko po miss Diann meron. Kaso hindi ko maalala kung saan nakalagay. Tanong ko na lang po." tumango-tango ako at umalis agad siya.

"What are you planning to do?" tanong ni Grad sa akin.

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now