Chapter 32 - First

86 1 1
                                    

A/N: Hi Guys, sorry for waiting... Naka focus kasi ako ngayon sa isa kong story Peanut And Butter, though it is still on-going try to read it hehehehe wala naman pong mawawala. Salamat sa pagsuporta hanggang dito.


I always wanted to feel at peace, yung tipong wala na akong iisipin kundi paano ako mabubuhay sa araw-araw.

Pero hanggang sa pag-alis ko, may bubuntot pa rin sa akin ng pambubwisit. 

Napatingin ako sa katabi ko ngayong natutulog, pero nakahiga sa balikat ko. Sinubukan ko ulit ilayo yung ulo niya sa balikat ko pero maya-maya ay nahuhulog ulit ito sa balikat ko. 

Naiines na talaga ako, nananadya ba siya o talagang tulog? Malaki ang pasasalamat ko sa kaniya dahil sa nangyari kanina bago kami tumungtong sa eroplano pero itong ginagawa niya sa akin ngayon ay hindi makatarungan!

Ilalayo ko na ulit ulo niya 'wag lang siya magising pero ilang saglit pa ay bumababa na naman to sa balikat ko, pero bago pa 'to lumapat ay tinulak ko na ulo niya papunta sa kabilang side sa sobrang inis, kaya nagulat yung katabi niya sa ginawa ko, sumama yung mukha nung babae kaya humingi na lang ako ng patawad. 

Kinuha ko ulit yung ulo ng katabi ko at dahan-dahang nilagay 'yon sa ulo ko. 

Pero bago pa mangyari 'yun ay naramdaman ko siyang gumalaw kaya nanigas ako sa kinauupuan ko, umayos siya sa pag-upo at tinignan ako gamit ang mapanuri niyang mga mata.

"What are you doing?" nanlaki-mata ko at iniwas ko tingin ko sa kaniya.

Nakakahiya! Sa ilang beses na pag-taas ko nang ulo niya maalis lang sa balikat ko ngayon pa siya nagising.

"W-wala!" 

"Eh bakit mo nilalagay ulo ko sa balikat mo?" at mas lalo pang sumingkit mata niya habang tinititigan ako. Hihingi sana ako ng tulong sa katabi niya pero natigilan ako nang makitang tulog ito at may suot na headphones.

Shit.

What am I going to do? 

"Eh kasi kanina pa yang ulo mo, panay higa sa balikat ko. Sa inis ko tinulak ko siya papunta sa kabila 'wag lang ulit mahiga sa balikat ko!"

"And?"

"A-and the woman beside you got annoyed, natamaan siguro nung tinulak ko ulo mo sa kabila."

"Eh bakit mo kinuha ulo ko kung ayaw mo pala nakahiga 'to sa balikat mo?"

"S-siyempre naabala ko yung-"

"You like me?" napanganga ako sa narinig ko. Or baka hindi ko lang narinig masyado gawa nang ingay ng eroplano.

"H-ha?"

"I said do you like me?" tumawa ako pero ramdam kong nanlalamig na sa pawis mga kamay ko, kaya out of habit ay pinahid ko 'to sa jeans ko. 

"Hell no! You wish!" at tinalikuran ko na siya at humarap sa bintana.

Wala akong mapapala pag kinausap ko pa katabi ko. Kagagaling lang sa tulog kaya medyo lutang pa utak niya. 

Kapal ng mukha para tanungin niya ako tungkol don.

"Good day Passengers! This is your captain speaking. I'd like to inform you to fasten your seatbelts because in 10 minutes we will land in the city of  California. " 

Nang sabihin 'yun ng piloto ay nakahinga na ako ng maluwag. 

Tinignan ko yung wrist watch ko, its 8:10 pm? Tinignan ko yung labas at mas maliwanag pa sa kinabukasan ko yung haring araw. 

Saka ko lang napagtanto na gabi na pala sa Pilipinas nang mga ganitong oras. Then I remembered I left the country 6 in the morning.

"Let's go?" napatingin ako sa katabi kong pinagmamasdan ako ngayon. Tinaasan ko siya ng kilay.

My 15 Brothers And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon