Chapter 9 - Homecoming

180 6 0
                                    


Audrey Diann's

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Audrey Diann's

"Diann, may meeting tayo day after tomorrow. About the partnership I've been talking about."

"Oo na kuya, sinabi ko na din kay kuya James yun nung nakaraan at umagree naman kaya di mo na kailangang sabihin ng sabihin." Kaya ako sasama sa meeting kasi model na ako ng LDB Clothes, matagal ko nang nirerequest kay kuya Noah na magmodel ako pero ayaw nya, pero sa huli pumayag na sya nung nakapagtapos na ako ng kolehiyo.

"Okay, mabuti naman kung ganun."

"Sir, Ma'am nasa linya po si sir Luke." Napatingin kami sa katulong at binigay kay kuya Noah ung telepono.

"Hello... Ahh sige." Napatingin sa akin si kuya habang kausap si kuya Luke sa telepono.

"Si Diann kasama ko ngayon... Ah sige, sige pupunta na kami jan." At binaba na nya ung telepono sabay bigay dun sa katulong.

"Ano daw?" At binigyan ako ng ngiti ni kuya.

"Manang, paki ayos na yung kwarto ni papa, pauwi na sya ngayon." Nanlaki mata ko sa narinig ko.

"Seryoso kuya?!" Excited na tanong ko.

"Oo, nasa Japan sila ngayon at pauwi na sila."

"Tara na kuya, alis na tayo!" Sabi ko habang hinihila sya palabas ng bahay.

"Sandali lang, sabihan na muna natin ung iba. Tapos tawagan mo si James na umuwi muna sya ngayon at magluto para macelebrate natin ung pag uwi ni papa." Nawala ngiti ko nang marinig ko ung pangalan ni kuya James. Galit pa kaya sa akin yun? Ung nangyari kasi kahapon eh, tapos hindi ko pa sya nakikita ngayon kasi maaga daw syang pumasok sabi nung mga katulong.

"Ah sige kuya, sabihan ko na sya." Tumango sya at pumunta sa kwarto ng iba naming kapatid. Pumunta na ako sa kwarto, kinuha ko ung phone ko sa kama at dinial ko ung number ni kuya James, mga gantong oras nasa opisina sya ganun naman lagi routine nya pag nasa restaurant sya. Humiga ako nang sagutin na ni kuya James ung tawag ko.

"Bakit Diann?" Napalunok ako nun, kasi ang lamig ng boses nya.

"Pinapauwi ka ni kuya Noah."

"Bakit daw?"

"Kasi uuwi si Papa galing Japan, gusto nya kumpleto tayong magkakapatid." At hininga nya lang ung naririnig ko sa kabilang linya. Ilang saglit pa lang ay nagsalita na din sya.

"Ahh sige, mag-aayos lang ako."

"Sige po, ingat."

"Okay." At binaba na nya ung tawag.

"Diann?" Napatingin ako sa pintuan ko at nakita ko si kuya Noah kasama ung kambal.

"Tara na." Sabi nya, tumango ako at tumayo na ako.

My 15 Brothers And IWhere stories live. Discover now